Sports

Azkals pasok na sa AFC Challenge Cup finals


Pormal nang pumasok ang Pilipinas sa kasalukuyang Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup matapos talunin ang Bangladesh kahapon. Kasapi ang Pilipinas sa Group A, kasali ang Bangladesh, Palestine at Myanmar. Sa ikot ng mga laro, unang tumabla ang Azkals sa Myanmar 1-1, habang tumabla rin ngunit hindi nakapuntos laban sa Palestine. Kakailanganin ng tuwirang panalo […]

Pormal nang pumasok ang Pilipinas sa kasalukuyang Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup matapos talunin ang Bangladesh kahapon.

Kasapi ang Pilipinas sa Group A, kasali ang Bangladesh, Palestine at Myanmar. Sa ikot ng mga laro, unang tumabla ang Azkals sa Myanmar 1-1, habang tumabla rin ngunit hindi nakapuntos laban sa Palestine.

Kakailanganin ng tuwirang panalo ng Pilipinas pagpasok nito sa laban sa Bangladesh, dahil mananatili ito sa ikatlong powesto sa grupo kung tatabla lamang ito. Ngunit hindi lamang panalo ang natikman ng Pilipinas laban sa Bangladesh kundi 3-0 pagsasara ng kanilang kampanya upang tuwirang makuha ang puwesto na kakailanganin para makapasok sa susunod na yugto ng Challenge Cup.

Nakakuha ng aggregate 5 puntos ang Pilipinas, ikalawa sa Palestine na nakakuha ng aggregate 7 puntos, sa naturang grupo.

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng tig-iisang goals sina Ian Araneta, Emelio Caligdong, at Phil Younghusband, habang tig-dalawa sina Angel Guirado at James Younghusband, sa kabuuan ng torneo.

Ang Palestine at Pilipinas ang nakapasok para sa Group A, habang pinanlunan ng India ang Group B at humabol sa kanila ang Turkmenistan, ang ikalawang puwestong bansa noong 2010 AFC Challenge Cup. Ang Maldives naman ang nagwagi sa Group C habang ikalawa sa kanila ang Tajikistan, ang third-placer sa nakaraang torneo. Hihintayin nila ang Group D na kasapi ang defending champion na North Korea, Afghanistan, Nepal, at Sri Lanka

Ang finals ng AFC Challenge Cup ay gaganapin pag nabuo na ang walong qualifying teams. Hihintayin pa ang anunsiyo ng lugar kung san gaganapin ang palaro.