Sugod mga Kapatid

Babay, Big Three!

Naninindigan ang mga progresibo na tama ang kanilang pagsusuri na “overpriced” ang presyo ng mga produktong petrolyo. Dapat lang hamunin ang kartel ng langis, at ang mga tagasuporta nila: Kung hindi totoo ang “overpricing,” hindi kayo matatakot bigyan ng kapangyarihan ang gobyerno na usisain ang bawat pagtataas n’yo at pigilan kung totoo ang mga ito.

Pero imbes na tanggapin ang hamon (alam na!), nagbanta pa ang kartel: kapag ‘nakialam’ daw ang gobyerno sa mga presyo, baka maubusan ng suplay ng langis ang bansa. Bakit? Totoo bang malulugi ang mga kompanya ng langis kaya kailangan nilang tumigil sa pagbenta? Hindi: Tinataya ng mga ilang pag-aaral na overpriced ang bawat bariles ng krudo na ibinebenta ng mula $15 hanggang $60. Kung gayon, ang bantang pagkaubos ng langis sa bansa ay isa lamang deliberate na pagkilos para pilitin tayong tanggapin ang kanilang panggugulang.

Hindi tayo dapat matakot sa banta ng kartel. Dapat pa natin silang sabihan ng “Sige, at ‘wag na kayong babalik pa.” Maraming ehemplo sa kasaysayan ng iba pang bansa kung paano masasalag ang mga maaaring masamang epekto ng kanilang “banta”: isabansa ang operasyon ng mga reserba natin ng langis at natural gas, tulad ng sa Malampaya at Galoc, at maaari rin bumili nalang mismo ang gobyerno ng krudo diretso mula sa ibang mga bansa para makuha natin ito sa mas murang halaga.

Tulad ng laging pinapaalala ng mga aktibista, “internal ang mapagpasya.” Kung gugustuhin ng gobyerno na pigilan ang pagtaas ng presyo ng langis, marami itong puwedeng gawin. ‘Yun nga lang, gusto ba talaga ni Noynoy na gawin ito?