Sugod mga Kapatid

Oh, how the mighty have fallen!


Ang imahen ni Gloria Arroyo, bilang nagtatago sa likod ng mga sundalo at pulis tuwing lumalabas siya ng Palasyo sa takot sa dami ng mga mamamayan na nagpoprotesta laban sa kanya, ay imahen rin ni Noynoy Aquino kanina. Di pa isang taon mula ng manalo siyang Pangulo ng bansa dahil sa pagtatanggal sa kanya bilang “kampiyon ng mga mamamayan,” takot na takot siya sa bulong man lang o anino ng sambayanang ipagtatanggol niya DAW.

Ang imahen ni Gloria Arroyo, bilang nagtatago sa likod ng mga sundalo at pulis tuwing lumalabas siya ng Palasyo sa takot sa dami ng mga mamamayan na nagpoprotesta laban sa kanya, ay imahen rin ni Noynoy Aquino kahapon. Di pa isang taon mula nang manalo siyang Pangulo ng bansa dahil sa pagtatanggal sa kanya bilang “kampiyon ng mga mamamayan,” takot na takot siya sa bulong man lang o anino ng sambayanang ipagtatanggol niya DAW.

Kung ang bawat militar sa lugar ng UP Graduation Rites kahapon ay naka-uniporme, magmumukha sigurong Camp Aguinaldo ‘yun sa dami ng mga PSG (Presidential Security Group) at mga panget o intel (tawag ng mga aktibista sa mga military intelligence agents). Pero gaano man kadami sila, may mga nakalusot pa rin na mga graduates na sinalubong si Noynoy ng protesta, bitbit ang mga plakard na may mga panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod, libreng pamamahagi ng Hacienda Luisita, pagkontrol sa presyo ng langis, pagpapalaya sa political prisoners, pagtaas sa badyet sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan, at iba pa.

Mismong ang rehente ng mga mag-aaral ng pamantasan na si Jaque Eroles, pagkatapos mag-abot ng listahan ng mga paniningil ng mga mamamayan sa pangulo, ay nanguna sa pag-sigaw ng mga islogan na patama sa mga baluktot at di-matuwid na pamamalakad ni Aquino. Sa labas naman ng venue, marami pang mga estudyante, iba pang kabataan, guro, at kawani ng gobyerno ang desperadong hinarangan ng goons ni Noynoy.

Napaka-makapangyarihan ng mga imahen at tunog at kabuuang dating ng protesta kanina, tulad ng terminong throne propped up by bayonets na ginamit kay dating pangulong Gloria Arroyo. Sa imahen ng isang upuan na ang mga paa nito ay bayoneta, ipinapakita nito na ang dahas na lamang, na sinisimbolo ng mga bayoneta, ang nagpapanatili sa ‘naka-upo’. Kung ang mga kaganapan lamang sa UP ang batayan, tiyak nating masasabi na dahas at panlilinlang na lamang ang mga paa na nagpapatayo sa upuan ni Aquino!

Dapat mabatid ng mga Pilipino, lalo na ng mga kabataan, ang kahalagahan nito: ang ganitong mga reaksiyon ni Aquino sa boses at galaw ng mga tulad natin ay nagpapakita na nararamdaman at naaapektuhan siya nito. Kung laban sa boksing ito, napapa-aray siya kahit sa mga relatibong maliliit na protesta at mga simpleng batikos sa kanya. Pero kung mga gimmick at dahas ang nagiging sagot pa ni Noynoy, ibig sabihin lang, kulang pa. Kailangang palakasin ang mga suntok sa katawan at ulo ng buong gobyernong Aquino hanggang sa mawalan na ito ng lakas na sumuntok pabalik, at tuluyang bumagsak pa.