Boksing vs pagkaltas ng badyet sa edukasyon isinagawa ng NUSP
Nagsagawa ng pagkilos ang militanteng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas-Manila para iprotesta ang anila’y patuloy na pagtaas ng mga gastusin sa pag-aaral sa harap ng malaking pagkaltas ng administrasyong Aquino sa badyet ng edukasyon.

Nagsagawa ng pagkilos ang militanteng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas-Manila para iprotesta ang anila’y patuloy na pagtaas ng mga gastusin sa pag-aaral sa harap ng malaking pagkaltas ng administrasyong Aquino sa badyet ng edukasyon.
Suot ang boxing gloves na isnusuntok sa punching bag na may nakasulat na “Knock out Budget Cut,” simbolikong nagsagawa ang mga miyembro ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) ng “Boksing kontra pagtaas ng bayarin sa edukasyon.”
Sinabayan ng NUSP ang sikat na kaganapan noong karaaang linggo: ang tagumpay ni Manny Pacquiao kontra sa Amerikanong boksingero na si Shane Mosley noong Sabado, Marso 9.
Bahagi ang aksiyong ito ng mga estudyante ng UP Manila serye ng mga protesta ng NUSP at iba militanteng organisasyon ng kabataan, kaalinsabay ng pagsisimula ng registration at papalapit na enrolment ng mga estudyante para sa susunod na semestre.
“Binabaka ng aming mga magulang ang mga paraan upang mabuhay sa pang-araw-araw at ipadala ang kanilang mga anak sa paaralan, sa kabila ng kakarampot na suweldo at mababang badyet sa edukasyon,” pahayag ni Einstein Recedes, tagapangulo ng National Union of Students of the Philippines (NUSP).
Binatikos ng NUSP ang halos P1.4-Bilyong kinaltas ng administrasyong Aquino sa pambansang badyet ng UP.
“Ilang linggo na lang at magsisimula ang mga klase at haharap ang mga mag-aaral sa kakulangan ng silid-aralan, teksbuk, kakulangan sa guro, mataas na dropout rate, mataas na matrikula at iba pang bayarin,” ang pahayag ni Cleve Arguelles, vice-chairperson ng UPManila Student Council.