Larawan: Mga biktima ng batas militar nagpiket vs panukalang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani
Nagpiket sa harap ng Batasan Pambansa sa Quezon City ang mga grupong pangkarapatang pantao, kabilang ang mga naging biktima ng batas militar ni dating diktador Ferdinand Marcos. Mariing tutol sila sa House Resolution 1135 na naglalayong ipalibing ang mga labi ng nasirang diktador sa Libingan ng mga Bayani. “Ginawang katatawanan ang kagimbal-gimbal na karanasang dinanas ng mga Pilipino noong panahon ng batas militar. Di mabilang na paglabag sa karapatang pantao tulad ng pagpatay, pagdukot, tortyur, ilegal na aresto at pagkulong, hamletting at puwersahang pagpapalikas,” ayon sa Karapatan. (Macky Macaspac)