Larawan: Paglaya ng mga bilanggong pulitikal ‘tulad ni Ninoy’ muling ipinanawagan

Dinamitan ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao ang estatuwa ni Benigno "Ninoy" Aquino Jr., lider-opisisyon, bilanggong pulitikal at martir noong panahon ng diktadurang Marcos at ama ni Pang. Noynoy Aquino, ng damit na may nakasaad na "Free All Political Prisoners." Sa bisperas ng anibersaryo ng pagkamatay ni Ninoy sa Agosto 21, nanawagan ang Karapatan, Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto o Selda, at iba pa, sa gobyernong Aquino na palayain ang mga bilanggong pulitikal sa bansa. (Macky Macaspac)

Panawagan nila ang "general, unconditional, at omnibus" na amnestiya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal sa bansa. Ang mga bilanggong pulitikal ay iyung mga aktibista o indibidwal na sinupil at ikinulong ng gobyerno dahil sa pagtutol nila sa anila'y mga mapagsamantala at mapanupil na polisiya at pamamalakad ng naturang gobyerno. (Macky Macaspac)