Bagyong Pedring nanalasa sa Luzon


Di bababa sa dalawang tao ang nasawi sa Kamaynilaan pa lamang, libu-libong mamamayan ang apektado sa Bicol at Gitnang Luzon, at binaha ang maraming kalsada at komunidad sa Kamaynilaan, sa pagdating ng bagyong Pedring sa Luzon ngayong araw, Setyembre 27.

Daan ng bagyong Pedring sa Luzon.
Daan ng bagyong Pedring sa Luzon.

Di bababa sa 11 katao ang nasawi sa Luzon, libu-libong mamamayan ang apektado sa Bicol, Gitnang Luzon at rehiyon ng Ilocos-Kordilyera, at binaha ang maraming kalsada at komunidad sa Kamaynilaan, sa pagdating ng bagyong Pedring sa Luzon ngayong araw, Setyembre 27.

Isa sa pinaka-malaking bagyong dumaan sa bansa ang Pedring, na may laking 650 kilometrong diyametro at may inisyal na bilis na 140 kilometro kada ora, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Pinaka-apektadong probinsiya ang Aurora at Isabela, kung saan naganap ang landfall alas-singko ng umaga ng Setyembre 27.

Nawalan ng kuryente ang maraming probinsiya ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila kung saan, ayon sa Manila Electric Company (Meralco), mayroong 37 porsiyentong inisyal na nawalan ng kuryente.

Inaasahang aalis ang bagyo patungong West Philippine Sea (South China Sea), labas sa Philippine Area of Responsibility sa Setyembre 28, hapon hanggang gabi.

Para sa mga sitwasyong emergency, maaaring kumontak sa sumusunod na mga numero: PAGASA 4438526 NDRRMC 9111406 or 9122665 PNP 117 COAST GUARD 5276136 MMDA 138 or 8824151 to 77 RED CROSS 143 or 5270000 MERALCO 16211 MAYNILAD 1626 MANILA WATER 1627.