Larawan: Petron, muling piniket ng KMU para ikondena P9 overpricing sa langis

Piniket ng militanteng mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang tanggapan ng San Miguel Corporation ni Eduardo "Danding" Cojuangco Jr. na siyang mayoryang may-ari na ng Petron Corporation. Ipinrotesta ng KMU ang anila'y di bababa sa P9 na overpricing sa langis. Petron ang nangungunang korporasyon ng langis sa bansa na may pinakamalaking kita mula sa "overpricing," ayon sa KMU. (Macky Macaspac)

"Iba ang may pinagsamahan." Binatikos ng KMU ang anila'y pakikipagkutsaba ng administrasyong Aquino sa kartel ng langis sa pangunguna ng Petron para panatilihin ang mataas na presyo ng langis. Kumikita ang gobyerno sa mataas na presyo sa pamamagitan ng pangongolekta nito ng Value Added Tax o VAT sa langis. Tiyuhing buo ni Pangulong Aquino si Danding Cojuangco. (Macky Macaspac)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=15057













