Baha sa Bulacan (Mga Larawan)

October 2, 2011

Baha sa Bulacan: Ekta-ektaryang palayan ang nalubog sa tubig. (Soliman Santos)

Baha sa Bulacan: Ekta-ektaryang palayan ang nalubog sa tubig. (Soliman Santos)

Dala ng dalawang magkasunod na malakas na bagyong Pedring at Quiel ang ulan na mistulang naglubog sa Central Luzon sa baha. Anihan pa naman: Milyun-milyong palayan ang nalubog sa tubig matapos ang bagyo, at milyun-milyon ding mamamayan ang nakakaranas pa rin ang baha, hanggang sa pagkakasulat nito.

Itinatanggi ng National Power Corporation (Napocor) na dahil sa pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam kung kaya nalubog ang Bulacan, partikular ang mga bayan ng Calumpit, Hagonoy, at iba pa, gayundin ang iba pang probinsiya. Sinabi ni Dennis Gana, corporate communications manager ng Napocor, na aabot lamang sa limang porsiyento ng kabuuang tubig sa watershed ang pinakawalan ng naturang dam.

Pero naniniwala si Wilfredo Alvarado, gobernador ng Bulacan, na malaki ang epekto ng pagpapakawala ng Angat Dam, gayundin ng Ipo at Bustos Dam, sa huling sandali, nang rumaragasa na ang bagyo. Aniya, polisiya raw ito ng pambansang pamunuan ng Napocor.

Samantala, tuluy-tuloy ang pagbibigay ayuda maging ng iba’t ibang organisasyon para agarang makaagapay sa pangangailangan ng mga nasalanta ng malupit na baha.

Isa sa naturang relief efforts ang isinasagawa ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na Bayanihan Alay sa Sambayanan (Balsa). Humihiling sila sa publikong maaaring makatulong na magbigay ng canned goods, bigas, damit, gamot, tubig, toiletries, at pera. Maaari raw dalhin ang mga donasyon sa tanggapan ng Bayan: No.1 Maaralin corner Matatag Streets, Brgy. Central, Quezon City.

Maaari ring tumawag sa kanilang mga telepono bilang: (02) 925-5906 at (02) 435-6930.

Bago pa makarating sa bayan ng Calumpit, binabalaan na sa bahaging ito pa lang ng MacArthur Highway sa Malolos, Bulacan ang mga motorista. (Maricristh T. Magaling)

Bago pa makarating sa bayan ng Calumpit, binabalaan na sa bahaging ito pa lang ng MacArthur Highway sa Malolos, Bulacan ang mga motorista. (Maricristh T. Magaling)

Naghahanda na ng mga salbabida ang mga tao dahil inaasahan pa ang pagtaas ng tubig sa Malolos, Calumpit at Hagonoy dulot ng pagpapakawala ng mga dam. (Maricristh T. Magaling)

Naghahanda na ng mga salbabida ang mga tao dahil inaasahan pa ang pagtaas ng tubig sa Malolos, Calumpit at Hagonoy dulot ng pagpapakawala ng mga dam. (Maricristh T. Magaling)

Mga residente nagsilikas mula sa Paombong, Bulacan. (Soliman A. Santos)

Mga residente nagsilikas mula sa Paombong, Bulacan. (Soliman A. Santos)

Trak na lamang ang tanging nakakadaan mula sa Paombong papunta sa Malolos. (Soliman A. Santos)

Trak na lamang ang tanging nakakadaan mula sa Paombong papunta sa Malolos. (Soliman A. Santos)

Lumilikas na ang mga residente dahil sa banta ng pagtaas ng tubig. (Soliman A. Santos)

Lumilikas na ang mga residente dahil sa banta ng pagtaas ng tubig. (Soliman A. Santos)

Lumilikas na ang mga residente dahil sa banta ng pagtaas pa ng tubig. (Soliman A. Santos)

Lumilikas na ang mga residente dahil sa banta ng pagtaas pa ng tubig. (Soliman A. Santos)

Trak na nanggaling sa Paombong Bulacan. (Soliman A. Santos)

Trak na nanggaling sa Paombong, Bulacan. (Soliman A. Santos)

Umaapaw na sapa sa Malolos. (Soliman A. Santos)

Umaapaw na sapa sa Malolos. (Soliman A. Santos)

Nagmistula namang dagat ang mga taniman ng palay sa naturang lugar. (Soliman A. Santos)

Nagmistula namang dagat ang mga taniman ng palay sa naturang lugar. (Soliman A. Santos)

Halos lumubog na ang ilang kabahayan sa bahaging ito ng Malolos. (Maricristh T. Magaling)

Halos lumubog na ang ilang kabahayan sa bahaging ito ng Malolos. (Maricristh T. Magaling)

Ipasa pagkabasa!
Share on Facebook0Tweet about this on Twitter3Share on TumblrEmail this to someoneShare on Google+0Print this page

Comments

comments