Larawan: Ka Roger pinarangalan sa mga raling iglap, gun salute

Nagsagawa ng lightning rally ang rebolusyonaryong kabataan sa ilalim ng Kabataang Makabayan o KM, sa Carriedo, Manila para bigyang parangal ang yumaong tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Gregorio "Ka Roger" Rosal. Inanunsiyo ng  CPP noong Oktubre 8 ang pagpanaw ni Rosal sa atake sa puso, sa isang sonang gerilya noong Hunyo 22. (KR Guda)

Bitbit ng mga miyembro ng KM ang watawat ng New People's Army o NPA, National Democratic Front o NDF, at Communist Party of the Philippines o CPP. Hinimok nila ang mga taong nagmasid sa rali na sumapi sa NPA. (KR Guda)

Naglunsad din ng lightning rally sa Cubao, Quezon City ang iba't ibang rebolusyonaryong organisasyon sa ilalim ng National Democratic Front (NDF), bilang pagpugay kay Rosal. Kabilang dito ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o Makibaka, Kabataang Makabayan o KM, at Pambansang Katipunan ng Magbubukid o PKM. (Kontribusyon)

Sa isang mayor na interseksiyon sa Davao City, nagsagawa rin ng lightning rally ang mga miyembro ng Kabataang Makabayan at Communist Party of the Philippines para pagpugayan si Rosal. (Karlos Manlupig)

Bandang alas-10 ng umaga, sa kanayunan ng Batangas, nagsagawa ng programa ang mga mandirigma ng Melito Glor Command at Eduardo Dagli Command ng New People's Army (NPA) sa Southern Tagalog para parangalan ang dating tagapagsalita ng Melito Glor Command at Communist Party of the Philippines na si Rosal. (Raymund Villanueva)

Isang gun salute ang inalay ng mga mandirigma ng New People's Army para kay Rosal, sa isang sonang gerilya sa Batangas, Southern Tagalog. Kasabay ito ng gun salute ng iba pang mga yunit ng NPA sa iba't ibang bahagi ng bansa. (Raymund Villanueva)