Larawan: Mga magsasaka, nagrali sa Korte Suprema para sa tunay na reporma sa lupa

Nagmartsa patungong Korte Suprema ang libu-libong magsasaka, upang ipanawagan sa mataas na hukuman na resolbahan ang mga kaso ng pangangamkam sa lupa tulad ng Hacienda Luisita sa Tarlac, Hacienda Yulo sa Laguna at iba pang mga kaso. (Macky Macaspac)

Nakiisa ang militanteng kababaihan ng Gabriela sa laban ng mga magsasaka. (Macky Macaspac)

Pinatibay ng mga nagpoprotestang magsasaka ang kanilang hanay kasama ang iba't ibang sektor nang muling magkaroon ng tensiyon matapos magbigay ng warning ang mga kapulisan na hanggang alas singko ng hapon lang sila papayagang magprotesta.  (Macky Macaspac)

Hinarap ng kababaihang magsasaka ang mga pulis na nagtangkang buwagin ang hanay ng mga nagpoprotesta. (Macky Macaspac)

Makailang ulit na nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng mga lider ng mga magsasaka sa pangunguna ni Danilo Ramos ng KMP at nang kapulisan sa pangunguna naman ng isang Col. Layug ng Manila Police District ng PNP. Aabot sa dalawang oras ang serye ng mga negosayon bago magkasundo na umatras ang dalawang panig, ang mga nagpoprotestang magsasaka malapit sa Taft at ang mga kapulisan sa bandang DOJ, pinaalis din ang dalawang trak ng bumbero. (Macky Macaspac)

Bago tumulak sa napagkasunduang lugar ng vigil, simbolikong nagsindi ng kandila ang mga magsasaka sa harapan ng Korte Suprema bilang pagpapakita ng kanilang maalab na hangaring ariin ang lupa, gayundin ang pagtutol sa 100% foreign ownership na nakapaloob sa panukalang charter change.  (Macky Macaspac)

Nanatili ang mga magsasaka sa harap ng Korte Suprema hanggang sa sumunod na araw. Anila, patuloy ang protesta para sa tunay na repormang agraryo at laban sa pangangamkam at monopolyo sa lupa ng iilan. (Macky Macaspac)