Pinoy Weekly

Larawan: Militanteng mga grupo, sinorpresa si PNoy ng regalong protesta sa kaarawan niya

Nagdala ng birthday cake ang kababaihan ng Gabriela sa Carriedo, Manila kaalinsabay ng kaarawan ni Pang. Benigno Aquino III. Pero dala nila ito hindi para ipakain kundi para ibato sa imahen ng pangulo. Galit ang kababaihan dahil umano sa "kainutilan" ng administrasyong Aquino na kontrolin ang presyo ng batayang mga bilihin, kabilang ang langis. (KR Guda)

Nagdala ng birthday cake noong Pebrero 8 ang kababaihan ng Gabriela sa Carriedo, Manila kaalinsabay ng kaarawan ni Pang. Benigno Aquino III. Pero dala nila ito hindi para ipakain kundi para ibato sa imahen ng pangulo. Galit ang kababaihan dahil umano sa "kainutilan" ng administrasyong Aquino na kontrolin ang presyo ng batayang mga bilihin, kabilang ang langis. (KR Guda)

Sa Mendiola, Manila, nagdala naman ng malaking kahon na "regalo" ang mga maralita ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay, Bayan Muna, Anakpawis, Bagong Alyansang Makabayan - National Capitol Region, at iba pa. Binatikos nila ang programang Public-Private Partnerships o PPP na anila'y nagdudulot ng demolisyon sa mga maralitang lungsod. Sinunog ng mga maralita ang naturang "regalo" bilang protesta sa administrasyong Aquino. (KR Guda)

Sa Mendiola, Manila, nagdala naman ng malaking kahon na "regalo" ang mga maralita ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay, Bayan Muna, Anakpawis, Bagong Alyansang Makabayan - National Capital Region, at iba pa. Binatikos nila ang programang Public-Private Partnerships o PPP na anila'y nagdudulot ng demolisyon sa mga maralitang lungsod. Sinunog ng mga maralita ang naturang "regalo" bilang protesta sa administrasyong Aquino. (KR Guda)

Galit si Carmen "Nanay Mameng" Deunida ng Kadamay sa aniya'y "pagpapapogi" ni Pangulong Aquino, habang patuloy na ipinapatupad ang malawakang demolisyon sa mga maralitang komunidad. Kaarawan din ni Deunida noong araw na iyon, Pebrero 8. (KR Guda)

Galit si Carmen "Nanay Mameng" Deunida ng Kadamay sa aniya'y "pagpapapogi" ni Pangulong Aquino, habang patuloy na ipinapatupad ang malawakang demolisyon sa mga maralitang komunidad. Kaarawan din ni Deunida noong araw na iyon, Pebrero 8. (KR Guda)

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=18170

Posted by on Feb 9 2012. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes