Maralitang Lungsod

Tigil-pasada, protestang bayan panawagan ng mga maralita vs tuluy-tuloy na OPH

Isang tigil-pasada at “protestang bayan” ang ipinanawagan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) kontra sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon sa mga maralitang lungsod, sila umano ang pangunahing tinatamaan sa bawat sentimong pagtaas ng presyo ng langis. Kaya, nanawagan ng Kadamay na muling ulitin ng mga tsuper at iba pang sektor ang matagumpay na protesta at tigil-pasada noong Septyembre 19 noong nakaraang taon na nagparalisa ng transportasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nagkabit ng banderitas ang mga miyembro ng Kadamay at Anakpawis Party-list sa mga traysikel sa Commonwealth-Batasan bilang suporta sa panukalang batas na ibasura ang Oil Deregulation Law. (Pher Pasion)
Hinimok ng mga maralita sa ilalim ng Kadamay ang mga tsuper ng traysikel sa Commonwealth Avenue na makiisa sa mga protesta kontra sa taas-presyo ng langis. (Pher Pasion)

“Pinapatunayan lang na hindi pinipigil (ng gobyerno) ang taas-presyo ng langis at walang malinaw na plano si Noynoy matigil ang pagkaganid sa tubo ng dayuhang mga kompanya ng langis at imbestigahan ang overpricing scheme ng kartel,” ani Francis Esponilla, tagapagsalita ng Kadamay.

Nagkabit ng banderitas ang mga miyembro ng Kadamay at Anakpawis Party-list sa mga traysikel sa Commonwealth-Batasan bilang suporta sa panukalang batas na ibasura ang Oil Deregulation Law. (Pher Pasion)
Nagkabit ng banderitas ang mga miyembro ng Kadamay at Anakpawis Party-list sa mga traysikel sa Commonwealth-Batasan bilang suporta sa panukalang batas na ibasura ang Oil Deregulation Law. (Pher Pasion)

Nanawagan din ang grupo na ibasura ang Oil Deregulation Law at tanggalin ang Value-Added Tax sa langis, sa kilos-protestang isinagawa ng Kadamay sa terminal ng trisikel sa Batasan, Quezon City.

Sa datos ng Kadamay, aabot na sa 13 beses na nagtaas ang diesel at gasolina sa lokal na pamilihan matapos ang naganap na diyalogo sa Malakanyang at mga grupong transport noong Setyembre.

Simula naman ng maging presidente si Benigno Aquino III, umabot na sa P13.69 ang itinaas ng presyo ng diesel kada litro sa lokal na pamilihan, samantalang P13.93 naman ang sa gasolina.

“Ramdam na ramdam na ngayon ng ordinaryong mga mamamayan ang hirap na epekto ng OPH. Sa bawat taas-presyo ng langis, tumataas din ang presyo ng pangunahing mga bilihin gaya ng pagkain…(N)ararapat lamang na sumuporta ang buong sambayanan sa mga tigil-pasada at protestang bayan laban sa OPH,” diin ni Esponilla.

Nagsabit ang Kadamay ng mga banderitas sa mga trisikel na nakasulat ang mga panawagan para sa mga kongresista na isabatas ang House Bill 4317 ng Anakpawis Party-list at HB 4355 ng Bayan Muna Party-list na naglalayong ibasura ang Oil Deregulation Law.