Kababaihan

Interbensiyong militar ng US, monopolyong kontrol sa langis, ipinrotesta ng kababaihan sa Women’s Day

Libu-libong kababaihan ang nagprotesta laban sa monopolyong kontrol sa langis at interbensiyong militar ng US, noong Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.

“Ang laki natin!”

Ito ang bungad ng talumpati ni Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng militanteng grupong pangkababaihan na Gabriela, matapos isarbey sa entablado ang dami ng taong dumalo sa Plaza Miranda, Manila noong Marso 8 bilang paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.

Libu-libong kababaihan at mamamayan ang nagtipon sa naturang lugar noong hapong iyon, hindi lang para ipagdiwang ang Women’s Day. Ipinroprotesta nila ang mabibigat na mga problemang kinakaharap ngayon ng naghihirap at pinagsasamantalang kababaihan at mamamayan: matataas na bilihin, presyo ng langis, demolisyon sa kanilang mga bahay, kawalan ng abot-kamay na serbisyong panlipunan, at maraming iba pa. Kinondena rin nila ang tumitinding interbensiyong militar ng armadong puwersa ng Estados Unidos (US) sa Pilipinas.

Ang Marso 8 ay kulminasyon ng halos isang buwang serye ng mga pagkilos ng Gabriela, kontra sa taas-presyo ng langis at mga bilihin, sa Department of Energy, Pandacan Oil Depot, LTFRB (kaugnay ng taas-pasahe) at Malakanyang; at interbensiyong militar ng US, sa embahado nito.

Mala-pista ang mga kulay, pagtatanghal at dalang mga istrimer at plakard ng kababaihan at iba’t ibang grupo sa Plaza Miranda, hanggang sa martsa patungong Mendiola noong Marso 8. Pero walang dudang militante nilang inihayag ang pagkondena sa administrasyong Aquino na anila’y kakutsaba ng gobyernong US at ang kartel ng langis na nagmomonopolisa sa industriya ng langis.

Sa Mendiola, sa pagitan ng mga talumpati’y madamdaming inawit ang “Lumuha Ka Aking Bayan”, awiting hinggil sa pambubusabos ng dayuhang mananakop sa Inang Bayan. Pagkatapos nito’y sinunog ng kababaihan ang isang effigy ng yellow ribbon (na simbolo ni Pangulong Aquino) na naging watawat ng US.

Para sa kababaihan ng Gabriela, hudyat lamang ito ng mga protesta at pagtutol sa presensiyang militar ng US sa Pilipinas at sa pakikipagkutsaba ng administrasyong Aquino sa US at sa dambuhalang mga kompanya ng langis.

Narito ang ilang larawan ng protesta:

Naging okasyon ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong Marso 8 para kondenahin ng Gabriela at iba't ibang militanteng organisasyon ang monopolyong kontrol sa langis, interbensiyong militar ng US at pakikipagkutsaba ng administrasyong Aquino sa kartel ng langis at sa gobyernong US. Humigit-kumulang 10,000 katao ang dumagsa sa Plaza Miranda sa protestang ito. (KR Guda)

Nakasulat sa noo niya ang kontra-tropang US na panawagan sa Plaza Miranda noong Marso 8. (KR Guda)

Kababaihan ng Gabriela-National Capitol Region. (Ilang-Ilang D. Quijano)

Bitbit ng kababaihan ang iba't ibang karatulang tumutuligsa sa interbensiyong militar ng US, taas-presyo ng langis at kawalan ng aksiyon ng administrasyong Aquino sa mga isyung ito. (KR Guda)

"Itigil ang pagdanak ng dugo para sa langis!" Ito ang mensahe ng plakard ng Migrante International. Tinutukoy nito ang mga giyerang interbensiyon ng US sa mga bansang tulad ng Iraq, Libya at Syria para diumano makontrol nito ang malawak na reserba ng langis sa naturang mga bansa. (KR Guda)

Ipinanunukala ng militanteng mga grupo ang pagbasura sa Value Added Tax sa mga produktong petrolyo bilang isa sa kagyat na maaaring gawin ng administrasyong Aquino para mapababa ang presyo ng langis. (Macky Macaspac)

Yellow ribbon (simbolo ni Pangulong Aquino) na naging watawat ng US ang kalahati ang effigy na dala ng Gabriela na susunugin nila sa Mendiola. (Macky Macaspac)

Napuno ng mga demonstrador ang Plaza Miranda hanggang unang lane ng kalsada. (Ilang-Ilang Quijano)

Pagtatanghal ng Sining Lila, grupong pangkultura ng Gabriela, sa Plaza Miranda. (Ilang-Ilang Quijano)

Nanawagan ang Gabriela, Courage at mga militanteng grupo sa pangunguna ng Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan o KPMM, na itigil ang overpricing sa mga produktong petrolyo. (Macky Macaspac)

Mga bata mula sa mga maralitang komunidad na nagtanghal sa Plaza Miranda. (Ilang-Ilang Quijano)

Itinaas ng kababaihan ng International Women's Alliance o IWA ang kanilang mga kamao sa harap ng mga nagsipagdalo sa protesta sa Plaza Miranda. (KR Guda)

Pagsisimula ng martsa patungong Mendiola galing sa Plaza Miranda. (KR Guda)

Nakiisa ang mga miyembro ng komunidad ng LGBT, o Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgender, sa protesta sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. (Ilang-Ilang Quijano)

Martsa ng libu-libong kababaihan kontra sa monopolyong kontrol ng langis at interbensiyong militar ng US, noong Marso 8. (Macky Macaspac)

Gabriela ng kasalukuyang panahon. (KR Guda)

Habang unti-unting lumulubog ang araw, nagsindi ang kababaihan ng Gabriela ng sulo na gigiya sa kanilang martsa patungong Mendiola. (Ilang-Ilang Quijano)

Nanguna ang mga lider-kababaihan sa pagdala ng sulo sa martsa. (Macky Macaspac)

Papalapit na ang martsa sa Mendiola. (KR Guda)

Nakiisa ang militanteng mga guro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT). (Macky Macaspac)

Sa overpass sa harap ng Mendiola, naglagay ng istrimer ang di-nagpakilalang kababaihang miyembro ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka). Nanawagan sila sa kababaihan na "lumahok sa New People's Army." (Ilang-Ilang Quijano)

Napuno ng mga demonstrador ang kalsada mula sa bungad ng Mendiola hanggang Recto Avenue. (KR Guda)

Sinimulan na ng mga lider-kababaihan na silaban ang dilaw na ribbon na naging watawat ng US. (Ilang-Ilang Quijano)

Pag-apoy ng dilaw na ribbon/watawat ng US na effigy. (Ilang-Ilang Quijano)

Madamdaming pag-awit ni Aki Merced ng League of Filipino Students ng kantang "Lumuha Ka Aking Bayan," isang anti-imperyalistang awitin na hango sa tula ni Amado V. Hernandez na pinamagatang "Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan." (Ilang-Ilang Quijano)

Tinapos ni Joms Salvador, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Gabriela, ang programa sa Mendiola sa pamamagitan ng paghamon sa lahat ng kababaihan na lalong palakasin ang hanay. Aniya, tanging sa sama-samang pagkilos ng mga mamamayan mawawakasan ang pagsasamantala at paghihirap ng sambayanang Pilipino. (Ilang-Ilang Quijano)