Pinoy Weekly

Nora Aunor at Brillante Mendoza, magsasama sa pelikula

Brillante Mendoza at Nora Aunor

Brillante Mendoza at Nora Aunor

Talagang hindi na mapigilan ang pag-ariba ni Brillante Mendoza, ang itinanghal na Palm d’Or Best Director sa prestihiyosong Cannes International Film Festival noong 2009 para sa obrang “Kinatay (The Execution of P).”

Higit kailanman, ngayon siya hinahamon ng kanyang pagkamalikhain.

Matagal nang naglalaro sa isip ni Brillante na bakit hindi niya idirek si Nora Aunor, ang isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas at natatanging bituin ng pinilakang tabing.

Kaya naman nakausap na niya ang aktres at nagkasundo sa maraming bagay kaugnay sa sining ng pelikula.

Pagbalik ni Nora kamakailan mula sa Amerika noong mga dalawang linggo na ang nakakaraan ay ang proyekto ni Mendoza ang kanyang uunahin.

***

Sandali ngang nagbakasyon ang Superstar sa US at ngayon ay handa nang sumabak muli sa trabaho kabilang ang mga gagawin niya sa TV5 at sa pagpapatuloy ng paggawa ng “El Presidente The General Emilio Aguinaldo Story” katambal si ER Ejercito.

Pagtatagpo ng dalawang alamat ang magaganap kina Aunor at Dante Mendoza.

Ang pamagat o paksa ng kanilang gagawin ay tungkol sa Badjao.

Napapanahon ang pagtalakay sa isyung ito ng mga katutubo mula sa Sulu na nagpunta sa Maynila dahil sa wala na o unti-unti nang naglalaho ang kanilang tradisyon ng pagtira sa tinatawag na vinta sa karagatan.

***

Ang pagpapahalaga sa mga katutubo ang isa sa dapat itaguyod nating mga Filipino at hindi ang mga makasariling hakbang ng pagwawalang-bahala sa kultura ng mga ito.

Walang masyadong makakamtang grasya o kasalukuyang kaganapan ang mga Filipino kung wala ang mga katutubo.

Malaki at mahalaga silang bahagi ng ating kasaysayan kaya dapat silang pahalagahan.

Sila na mga naunang tao sa lipunang ito kaya hindi sila dapat isnabin kahit na sa pagsakay natin sa mga dyip sa lalo na sa bandang Lalawigan ng Laguna, halimbawa’y sa kahabaan ng lumang Pambansang Daanan o Highway ay nandoon ang mga ito, mga kabataang Badjao, lalaki o babae, gula-gulanit ang mga damit, malilibag, nangangaliskis ang mga balat o mga ina na may kandong na mga batang gusgusin, naghahatag ng mga sobreng puti na nakasulat ang panghihingi ng tulong na pera o donasyon para sa mga abang Badjao.

Pagkuwan ay may dala silang niyuping lata ng sardinas halimbawa at ito ang pinupukpok nila ng kanilang mga kamay para sumaliw sa kanilang pag-awit ng musikang Badjao.

***

Ganito ang mga eksena ng mga hinugot na Badjao mula sa Mindanao dahil walang mapaglagyan sa kanilang lugar na animo’y mga isda silang inalis sa tubig na kumakapit sa anumang espasyo para mabuhay.

Showbiz na showbiz itong mga tagpo dahil hindi sa pangkaraniwang ideya at konsepto ng showbiz na makutitap o mapagbalatkayo kundi showbiz na showbiz na malawak, malalim, masalimuot, maintriga, matsismis, matunggali, madrama, madula at makulay.

Hindi negatibo ang kahulugan ng pagiging showbiz kundi ito ay ang estado ng buhay na punung-puno ng pakikipagsapalaran.

Sa tunggalian ng buhay ng mga Badjao, kailangan nilang magwagi sa kanilang laban ng patuloy na pagkabuhay nang marangal at may ginhawa.

Sa tulong natin ng pagkandili at pagkakalas sa mga tanikala ng kaapihan, makakamtan nila ang tunay na magandang kahulugan ng buhay.

Ito sana ang ipakita ni Brillante Mendoza sa kanyang obra na kakatawan sa pagiging makasama ni Nora.

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=18716

Posted by on Mar 11 2012. Filed under Opinyon. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

6 Comments for “Nora Aunor at Brillante Mendoza, magsasama sa pelikula”

  1. ferdie

    A great movie in the making!

  2. yesssss,a must see movie for sureeee!

  3. Emily

    Sana maipalabas din dito sa Canada.

  4. Sigurado na simultaneous ang showing ng movie na ito worldwide. The Womb, title pa lang talagang maganda.

  5. Sigurado na simultaneous ang showing ng movie na ito worldwide. The Womb, title pa lang talagang maganda.na.

  6. winslife

    hoping this coming movie a super successful one..a very picturesque movie ever…congratzzz both of you..goodluck…

Leave a Reply

Follow and Subscribe

Features

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes