Pinoy Weekly

Limang kabataang kontra-Balikatan hinuli, hinaras sa Angeles City

Mapa ng Angeles City. (maps.google.com)

Mapa ng Angeles City. (maps.google.com)

Limang kabataang aktibista ang hinuli ng pulisya nitong Sabado sa Angeles City, Pampanga dakong alas-diyes ng gabi habang nagpapaskil ng poster na kumokondena sa Balikatan Exercises 2012 (BK12) na inaasahang maglalapag ng libu-libong sundalong Amerikano sa bansa simula Abril 16.

Ayon sa mga ulat, hinuli at pinagsasapak ang lima. Sakay ng police patrol vehicle dinala sila sa PNP Station 4 ng nasabing lungsod at sinabihang “added mischief” ang dahilan ng kanilang pagkakadakip.

Ayon sa mga hinuli, nakaranas sila ng paninigaw at panggigipit sa kamay ng mga pulis. Muntik umano silang saktan nang tumanggi sila na ipasok sila sa kulungan.

Paulit-ulit din silang ininsulto at tinakot na sasampahan ng kaso at ipipiit sa Camp Olivas. Umabot sa humigit-kumulang sampung oras ang mga ito sa istasyon bago pinalaya.

“Ang nasabing pagdakip ay larawan ng panggigipit at paninikil sa mga progresibong kabataan ng reaksiyonaryo at pasistang pamahalaan…ito ay pagsupil sa demokratikong karapatan na maglahad ng opinyon at paninindigan sa masa,” pahayag ng iba’t ibang progresibong grupo ng kabataan sa rehiyon.

Nakakasa na ang malawakang kilos-protesta ng kabataan at militanteng mga grupo sa rehiyon at iba pang panig ng bansa bilang pagsalubong sa mga tropang Amerikano at Pilipino na sasali sa Balikatan Exercises.

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=19210

Juan Paolo C. Malenab Posted by on Apr 16 2012. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Limang kabataang kontra-Balikatan hinuli, hinaras sa Angeles City”

  1. [...] from: Limang kabataang kontra-Balikatan hinuli, hinaras sa Angeles City This entry was posted in Balikatan, Balita, Central Luzon, human rights violations, news, people, [...]

Leave a Reply

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes