Karapatang Pantao

Guro, 5 iba pa, dinukot sa Rizal


Mariing kinondena ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang umano’y pagdukot ng militar sa isang guro. Kasamang dinukot ang lima niyang kasamahan na kapwa babae sa Rodriguez, Rizal matapos ang isang engkuwentro sa pagitan ng rebeldeng New People’s Army at Philippine Army noong Nobyermbre 7. Iginiit ni Tinio na agarang ilitaw at palayain sina […]

Nagmartsa patungong Batasan Pambansa ang iba't ibang grupo ng mga may kapansanan tulad ng Philippine Deaf Resource Center, Philippine Federation of the Deaf, Support and Empower Abused Deaf Children, DLSU-St. Benilde School of Deaf Education and Applied Studies, Philippine National Sign Language Interpreteers at iba pa, para itulak ang pag-apruba sa panukalang batas na House Bill 6079 o Filipino Sign Language Act na ipinanukala ni Rep. Antonio Tinio ng ACT Teachers' Party-list. (Macky Macaspac)

Mariing kinondena ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang umano’y pagdukot ng militar sa isang guro. Kasamang dinukot ang lima niyang kasamahan na kapwa babae sa Rodriguez, Rizal matapos ang isang engkuwentro sa pagitan ng rebeldeng New People’s Army at Philippine Army noong Nobyermbre 7.

Iginiit ni Tinio na agarang ilitaw at palayain sina Lanie Latuga, guro ng mga kabataang Dumagat, kasama ang lima pang sibilyan na inaresto ng mga elementong 16th at 59th Infantry Battalions ng Philippine Army dahil umano sa suspetsang mga miyembro o tagasuporta sila ng NPA.

ACT Teachers Rep. Antonio Tinio (Macky Macaspac/PW File Photo)
ACT Teachers Rep. Antonio Tinio (Macky Macaspac/PW File Photo)

“Si Teacher Lanie at ang kanyang mga kasamahan ay pinakahuling biktima ng mga militar sa ilalim ng hindi makataong lohika ng Oplan Bayanihan. Hindi pinag-iiba (nito) ang mga armado sa mga sibilyan. Nagpapatunay ito na maraming pang tulad ni (retiradong heneral Jovito) Palparan na nambibiktima at nananakot sa mga komunidad,” ayon kay Tinio.

Tinutukoy ni Tinio si Palparan, itinuturong tapagpatupad ng madugong giyerang kontra-insurhensiya ng nakaraang administrasyong Arroyo.

Wala pang pahayag na inilabas ang mga opisyal ng militar tungkol sa naturang pagdukot sa anim na kababaihan, ayon sa ACT Teachers.

Nananawagan si Tinio sa mga opisyal ng 16th at 59th IB na ilitaw ang anim at agarang panagutin ang mga responsible. Binigyang-diin niya na ang nasabing mga unit ay notoryus sa mga residente dahil sa pagkakasangkot sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa mga lugar kung saan sila naitatalaga.

Noong Oktubre 16, 2011, tatlong miyembro ng 16th IB ang nag-imbita sa tatlong kababaihan sa kanilang kampo sa Rizal. Ayon sa naturang mga babae na pawang mga minor-de-edad, inabuso sila ng mga militar at ginasa ang isa sa kanila na si “Mutya,” 17-anyos.

Samantala, Hunyo 22 ngayong taon, nilapitan ang magsasakang si Eduardo Dela Pena ng mga elemento ng 59th at 74th IB noong nasa bukid siya. Doon, sinuntok at tinutukan ng baril si Dela Pena at pinaratangang miyembro ng NPA.

Napilitan siyang umalis kasama ng pamilya dahil sa patuloy na pandaras at pananakot ng mga militar.