Isang milyong pirma laban sa pribatisasyon, isinulong ng kawani sa kalusugan


Isang milyong pirma ang layong makuha ng mga kawaning pangkalusugan laban sa korporatisasyon o pagsasapribado sa 26 na pampublikong ospital na isinusulong ngayon sa Kongreso sa ilalim ng programang Public-Private-Partnership ng administrasyong Aquino. Nagsimulang mangalap ng isang milyong pirma ang mga kawaning pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) sa pampublikong mga ospital […]

Nagsimulang mangalap ang Alliance of Health Workers ng mga lagda para sa petisyong ibasura ng administrasyong Aquino ang korporatisasyon ng pampublikong mga ospital. (Pher Pasion)
Mariing tinututulan ng mga kawani sa sektor pangkalusugan ang anila'y pagsasapribado ng mga pampublikong ospital. Magdudulot umano ito ng lalong kawalan ng akses ng mahihirap sa serbisyong pangkalusugan. (Pher Pasion)
Mariing tinututulan ng mga kawani sa sektor pangkalusugan ang anila’y pagsasapribado ng mga pampublikong ospital. Magdudulot umano ito ng lalong kawalan ng akses ng mahihirap sa serbisyong pangkalusugan. (Pher Pasion)

Isang milyong pirma ang layong makuha ng mga kawaning pangkalusugan laban sa korporatisasyon o pagsasapribado sa 26 na pampublikong ospital na isinusulong ngayon sa Kongreso sa ilalim ng programang Public-Private-Partnership ng administrasyong Aquino.

Nagsimulang mangalap ng isang milyong pirma ang mga kawaning pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) sa pampublikong mga ospital na isasailalim sa korporatisasyon. Kasama rito ang National Center for Mental Health, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, at maging sa mga publikong lugar gaya ng Plaza Miranda.

Ayon sa AHW, malinaw ang magiging epekto ng korporatisasyon na ito sa mga karaniwan at mahihirap na mga mamamayan kung matutuloy ito.

Nagsimulang mangalap ang Alliance of Health Workers ng mga lagda para sa petisyong ibasura ng administrasyong Aquino ang korporatisasyon ng pampublikong mga ospital. (Pher Pasion)
Nagsimulang mangalap ang Alliance of Health Workers ng mga lagda para sa petisyong ibasura ng administrasyong Aquino ang korporatisasyon ng pampublikong mga ospital. (Pher Pasion)

“Ngayon pa lamang, hirap na ang mga mamamayan sa pag-abot ng serbisyo sa kalusugan ng mga pampublikong ospital gaya ng PGH. Lalo lamang palalalain o itataboy ng pamahalaang ito ang mga mamamayan sa mga ospital kung ito ay matutuloy,” ayon kay Bejamin Santos Jr., presidente ng All UP-Workers Union-Manila sa kanilang isinagawang protesta sa Philippine General Hospital.

Hindi lamang din serbisyo sa kalusugan ng mga mamamayan ang maaapektuhan kundi maging ang pangamba sa seguridad sa trabaho ng mga kawani sa kalusugan ang tiyak na magiging epekto ng korporatisasyon, ayon kay Sean Velches, tagapangulo ng National Orthopedic Hospital Workers’ Union-Alliance of Health Workers (NOHWU-AHW).

Nagprotesta rin ang mga kawaning pangkalusugan at mga mamamayan noong Nobyembre 19 sa harapan ng Department of Health patungong Mendiola para iparating sa pamahalaan ang anila’y nakamamatay na pribatisasyon na mismong Malakanyang ang nagsusulong.