Manggagawa

‘Aquino walang puso sa mahihirap’


Nagdala ng itim na mga puso ang mga kawani sa kalusugan sa paanan ng Mendiola isang araw bago ang Araw ng mga Puso para isalarawan ang anila’y kawalang puso ng adminstrasyong Aquino sa sektor ng kalusugan. Ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), hindi tumitibok ang puso ni Pangulong Aquino para sa mga mahihirap kundi […]

Protesta ng mga kawani ng kalusugan sa Mendiola laban sa pribatisasyon. Pher Pasion
Protesta ng mga kawani ng kalusugan sa Mendiola laban sa pribatisasyon. <strong>Pher Pasion</strong>
Protesta ng mga kawani ng kalusugan sa Mendiola laban sa pribatisasyon. Pher Pasion

Nagdala ng itim na mga puso ang mga kawani sa kalusugan sa paanan ng Mendiola isang araw bago ang Araw ng mga Puso para isalarawan ang anila’y kawalang puso ng adminstrasyong Aquino sa sektor ng kalusugan.

Ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), hindi tumitibok ang puso ni Pangulong Aquino para sa mga mahihirap kundi para sa mga negosyante na nais gawing negosyo ang publikong ospital dahil sa programang public-private partnership (PPP).

“Walang puso na ipinagpapatuloy ng administrasyong Aquino ang pribatisasyon ng mga publikong utilidad at serbisyo kahit na nagreresulta ito sa pagtaas ng mga bayarin,” ayon kay Jossel Ebesate, pangulo ng AHW.

Kawani ng kalusugan sa harapan ng Korte Suprema para ipanawagan ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan. <strong>Pher Pasion</strong>
Kawani ng kalusugan sa harapan ng Korte Suprema para ipanawagan ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan. Pher Pasion

Una nang sumailalim ang Philippine Orthopedic Center (POC) noong nakaraang taon sa programa ng PPP ng administrasyong Aquino. Nakuha ng Megawide-World Citi Consortium na pag-aari ni Henry Sy ang kontrata para maitayo ang bagong POC sa bakuran ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Ayon kay Sean Velchez, presidente ng National Orthopedic Hospital Workers’ Union – AHW (NOHWU-AHW), itinutulak na sila ng Department of Health na singilin ang mga pasyente, kahit na sa kasalukuyan ay hindi pa tuluyang pribado ang POC. “Lalo na kung pribado na ang magpapatakbo dito,” aniya.

Sa datos ng NOHWU-AHW, nasa 90 porsiyento ng pasyente ng POC ay mga indigent o nasa pinakamahirap na saray ng lipunan.

Nagtungo din sa Korte Suprema ang mga kawaning pangkalusugan matapos sa Mendiola, para muling hilingin na magkaroon ang puso ang mga hukom na magdesisyon pabor sa milyong-milyong Pilipino na umaasa sa mga publikong ospital.

“Kumakatok tayo ngayon sa Korte Suprema matapos ang sampung ang sampung araw nang mag-file tayo dito para itigil ang pribatisasyon sa publikong ospital gaya ng orthopedic (POC). Kapag naibasura ang kasong ito, parang pinabayaan tayo ng mga institusyon na dapat nagsisiguro na magkaroon ng karapatan sa kalusugan ang mga mamamayan,” ayon kay Dr. Julie Caguiat mula sa Doktor ng Bayan.

Nag-alay ng mga puso ang kawani ng kalusugan sa Korte Suprema bilang simbolo ng kanilang panawagan sa karapatan sa kalusugan. <strong>Pher Pasion</strong>
Nag-alay ng mga puso ang kawani ng kalusugan sa Korte Suprema bilang simbolo ng kanilang panawagan sa karapatan sa kalusugan. Pher Pasion

Ayon naman kay Benjie Santos, mula sa unyon ng Philippine General Hospital, namistulang ahente ang administrasyong Aquino at DOH Sec. Enrique Ona para ibenta ang mga publikong ospital sa mga pribadong kumpanya.

“Hindi tumitibok ang mga puso ng administrasyong ito para sa mga mamamayan. Wala na itong maramdaman sa paghihirap ng mga Pilipino. Malinaw na pinababayaan nito ang kalusugan ng mga mamamayan. Publiko na, nais pang pagkakitaan,” ayon kay Santos.

Nanawagan naman ang mga kawani sa kalusugan sa publiko lalo na sa mga netizens na mag-post sa facebook at sa twitter ng mga selfies o porma ng online protests na nagpapakita ng kanilang pagtutol sa pribatisasyon ng publikong ospital.