Kabataan

Alagang hayop ng kabataan inilabas bilang protesta sa ‘pagkatuta’ ng gobyernong PH sa US


Naglunsad ng solidarity pet walk ang kabataan dala-dala ang kanilang mga alagang aso bilang pagtutol sa dalawang araw ng pagbisita ni Pres. Barack Obama ng Amerika sa Pilipinas. Pinangunahan ng League of Filipino Students (LFS), Alliance of Concerned Teachers, at Kabataan Party-list ang nasabing aktibidad na nilahukan ng iba’t ibang pet owners kasama ang kanilang […]

Aktibidad ng Kabataan laban sa pagbisita ni US Pres. Barack Obaman sa Pilipinas.Majann Lazo
Aktibidad ng Kabataan laban sa pagbisita ni US Pres. Barack Obaman sa Pilipinas.<strong>Majann Lazo</strong>
Aktibidad ng Kabataan laban sa pagbisita ni US Pres. Barack Obaman sa Pilipinas. Majann Lazo

Naglunsad ng solidarity pet walk ang kabataan dala-dala ang kanilang mga alagang aso bilang pagtutol sa dalawang araw ng pagbisita ni Pres. Barack Obama ng Amerika sa Pilipinas.

Pinangunahan ng League of Filipino Students (LFS), Alliance of Concerned Teachers, at Kabataan Party-list ang nasabing aktibidad na nilahukan ng iba’t ibang pet owners kasama ang kanilang mga alagang hayop na ginanap sa Quezon Memorial Circle sa Lungsod ng Quezon.

Simbolo umano ang mga aso o mga pet ng pagiging “tuta” ng administrasyong Aquino sa amo nitong Amerika lalo na  sa pagmamadali ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na naglalayong payagan ang panghihimasok ng Amerikanong sundalo sa Pilipinas at gamiting base ng Amerika ang Pilipinas.

Ang solidarity pet walk na ito ay pagpapakita sa pagiging “asong ulol” ni Aquino sa pagsunod sa bawat utos ng kanyang among US, ayon kay Charlotte Velasco, tagapagsalita ng LFS.

“In this protest activity, we want to show that we love and trust loyal pets who definitely have a concept of ‘territory’ and how it should be defended from ‘foreign intervention’ – but we despise a president who is willing to sacrifice our sovereignty just to please his foreign masters,”  ani Kabataan Rep. Terry Ridon.

Para kay Ridon, maaaring mangahulugan ang bagong kasunduan ng Amerika at Pilipinas bilang “legal” na pananakop ng Amerika sa bansa.

Nangangamba umano ang administrasyong Aquino sa pagiging agresibo ng China sa teritoryo ng Pilipinas. Pero pinapayagan nito ang Amerika na maglatag ng tropa nito sa iba’t ibang lugar sa bansa. Isang sitwasyon na tulad ng de facto invasion.