Manggagawa

Mga guro, sumugod sa gate 7 ng Malakanyang para sa dagdag-sahod


Sinugod ng mga guro ang  gate 7 ng Malakanyang noong Biyernes  para ihayag ang pagkadismaya nila  sa naging pahayag ng Palasyo na wala umanong dagdag na sahod para sa mga guro sa taong ito. Anila, wala pang natatanggap na dagdag na sahod ang mga guro mula nang maupo si Pangulong  Aquino,  apat na taon na ang […]

Nagsagawa ng lightning rally Alliance of Concerned Teachers sa gate 7 ng Malakanyang.Pher Pasion
Nagsagawa ng lightning rally Alliance of Concerned Teachers sa gate 7 ng Malakanyang.<strong>Pher Pasion</strong>
Nagsagawa ng lightning rally ang Alliance of Concerned Teachers sa gate 7 ng Malakanyang.Pher Pasion

Sinugod ng mga guro ang  gate 7 ng Malakanyang noong Biyernes  para ihayag ang pagkadismaya nila  sa naging pahayag ng Palasyo na wala umanong dagdag na sahod para sa mga guro sa taong ito. Anila, wala pang natatanggap na dagdag na sahod ang mga guro mula nang maupo si Pangulong  Aquino,  apat na taon na ang nakararaan.

Kaya’t iginigiit nilang dapat daw na taasan ang kanilang sahod at ipasa ang House Bill 245 ng Alliance of Concerned  Teachers (ACT) Party-list na inihapag sa Kongreso.

Layunin ng panukalang batas na  taasan ang sahod   ng mga guro sa P25,000 mula P18,549 kada buwan at P15,000 mula P9,000 para sa mga non-teaching personnel.   “May pera para korapsyon. May pera para sa EDCA ( Enhanced Defense Cooperation Agreement). Pero walang pera para sa sahod ng mga guro,” ayon kay Vladimir Queta, deputy secretary-general ng ACT.

<strong>Pher Pasion</strong>
Pher Pasion

Ayon sa ACT, nasa P18,549 ang sahod ng isang lisensyadong guro kada buwan. Malayo sa sahod na natatanggap ng isang high school graduate na pumapasok sa Philippine Military Academy bilang kadete na nasa P21,709 kada buwang sahod.

Sa pag-aaral ng Ibon Foundation, isang grupo ng mga mananaliksik, nasa P1,054 kada araw o nasa P31,620 kada buwan ang tinatayang Family Living Wage (FLW) sa National Capital Region. Dahil dito naitutulak ang mga guro na mangutang para lamang mapunan ang kakulangang ito.

“Para lamang sa taong 2014, nasa P1.1 trilyon ang inilaan na pondo sa ilalim ng pork barrel sa kontrol ng pork barrel king na si Aquino. Para sa mga guro sa bansa, nasa P3.2 bilyon lamang ang kailangan ng Department of Budget and Management kada taon para matugunan ang panukalang dagdag sahod base sa ideya na nasa 75 porsyento ng mga guro ay Teacher 1,” ayon naman kay Louie Zabala, pangulo ng ACT-Manila.

Dagdag ni Zabala, habang patuloy silang sinasakal ni Aquino sa anyo ng mababang sahod, mataas na buwis, at patuloy na pagtaas ng bilihin at serbisyo, nanatili umano siyang bingi sa kanilang mga kahilingan para sa dagdag-sahod at dagdag badyet para sa edukasyon.

Nagbanta  naman si  Queta,  na  magsasagawa sila ng ‘mass leave’ o pagliban  sa pagbubukas ng klase sa taong ito kung mananatiling bingi si Aquino sa kanilang mga kahilingan.