Manggagawa

Dagdag-suweldo, benepisyo ng guro, kawani iginiit sa Araw ng Maynila


Nagprotesta ang mga guro sa ilalim ng Manila Public School Teachers Association (MPSTA) at Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila para ibalik ang tinanggal nilang benepisyo at itaas ng kanilang suweldo Nagmartsa ang mga guro ng Maynila mula Liwasang Bonifacio patungong Manila City Hall at Mendiola. “Imbes na magpahinga at […]

Aabot sa 800 guro at kawani sa Maynila ang nagprotesta para sa dagdag-suweldo at pagbabalik ng benepisyo na pinagkakait sa kanila ng lokal at pambansang pamahalaan. Kontribusyon
Aabot sa 800 guro at kawani sa Maynila ang nagprotesta para sa dagdag-suweldo at pagbabalik ng benepisyo na pinagkakait sa kanila ng lokal at pambansang pamahalaan. <strong>Kontribusyon</strong>
Aabot sa 800 guro at kawani sa Maynila ang nagprotesta para sa dagdag-suweldo at pagbabalik ng benepisyo na pinagkakait sa kanila ng lokal at pambansang pamahalaan. Kontribusyon

Nagprotesta ang mga guro sa ilalim ng Manila Public School Teachers Association (MPSTA) at Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila para ibalik ang tinanggal nilang benepisyo at itaas ng kanilang suweldo

Nagmartsa ang mga guro ng Maynila mula Liwasang Bonifacio patungong Manila City Hall at Mendiola.

“Imbes na magpahinga at magdiwang, ginugunita namin ang Araw ng Maynila sa pamamagitan ng pagkilos para ipanawagan kay Mayor (Joseph) Estrada na agarang bayaran ang aming lokal na mga benepisyo at muling mangalampag kay Pangulong Aquino para sa dagdag na suweldo sa mga guro at kawani sa buong bansa,” ayon kay Louie Zabala, tagapangulo ng MPSTA.

Ayon kay Zabala, inaatake ngayon ang pang-ekonomiyang kalagayan ng mga guro sa pagtanggal ng P2,000 buwanang insentibo ng mga guro mula sa lokal na gobyerno ng Maynila na nakaapekto sa mahigit 11,000 guro ng Maynila.

“Nangangalit na kami sa patuloy at matinding pag-atake sa aming mga benepisyo. Noong panahon ni Mayor (Alfredo) Lim (mayroon kaming_ lokal na financial assistance (FA), nagmumula sa aming general fund. Tinanggal ito,” ayon kay Zabala.

Dating nakakatanggap ang mga guro at non-teaching personnel ng buwanang FA na P500 at P2,500, ayon sa pagkakasunod. Nakakatanggal din ang mga guro ng buwanang insentibo mula sa Special Education Fund (SEF) ng P2,000.

“Mula nang matanggal ang FA ng mga guro at kawani noong 2012, nakakatanggap na lamang ang mga guro ng P2,000 kada buwan na insentibo,” ayon kay Zabala.

Sa unang kuwatro ng 2014, tinutuligsa na ng MPSTA ang Department of Education (DepEd)-Manila at ang Opisina ng Alkalde ang pagkahuli ng buwanang insentibo ng mga guro.

“Ang isyu ngayon ay hindi na lamang pagkahuli ng mga insentibo. Ang isyu ay ang hindi katanggap-tanggap na pinagsamang lakas ng Office of the Mayor, City Auditor’s Office, at DepEd-Manila sa pagtanggal ng aming pinaghirapang benepisyo. Sa amin, isa itong malinaw na sabwatan. Ang pagtatanggal sa aming benepisyo ay parehong ilegal at imoral,” sabi pa ni Zabala.

Sa gitna umano ng panawagan ng mga guro na agarang ibigay ang kanilang buwanang insentiba, naglabas ang City Auditor’s Office ng Audit Observation Memorandum (AOM) sa petsang Mayo 30, 2014. Nakapangalan ito kay Estrada na nagkukuwestion sa legalidad ng pagbibigay ng insentiba sa mga guro mula sa SEF.

Ayon kay Zabala, nakikiisa ang mga guro sa Maynila sa mga guro at kawani hindi lamang sa National Capital Region ngunit maging sa buong bansa. Bahagi sila ng pagdepensa sa kanilang pang-ekonomiya at demokratikong mga karapatan at sa paglaban nila para sa disente at nakabubuhay na sahod.

“Gagawin namin ang lahat ng porma ng pagkilos hanggang maabot namin ang malawakang pagliban (mass leave) para sa resolusyon ng aming pang-ekonomiyang hangarin,” ayon kay Zabala.