Kabataan

Problema sa klasrum, kagamitan sa eskuwela laganap pa rin


Tatlong linggo matapos ang pasukan, pinoproblema pa rin ang mga estudyante, guro, administrador ng eskuwela at magulang sa kakulangan ng mga klasrum. Sa kabila ito ng sinasabing pagtugon ng Department of Education (DepEd) ng administrasyong Aquino sa problemang pagsiksikan sa isang klasrum at guro ng aabot sa 75 mag-aaral sa pampublikong mga eskuwelahang elementarya at […]

Halatang masikip at kulang ng pasilidad ang pampublikong mga eskuwela tulad ng Pres. Cory Aquino Elementary School sa Quezon City. Pher Pasion/PW File Photo
Halatang masikip at kulang ng pasilidad ang pampublikong mga eskuwela tulad ng Pres. Cory Aquino Elementary School sa Quezon City. <strong>Pher Pasion/PW File Photo</strong>
Halatang masikip at kulang ng pasilidad ang pampublikong mga eskuwela tulad ng Pres. Cory Aquino Elementary School sa Quezon City. Pher Pasion/PW File Photo

Tatlong linggo matapos ang pasukan, pinoproblema pa rin ang mga estudyante, guro, administrador ng eskuwela at magulang sa kakulangan ng mga klasrum.

Sa kabila ito ng sinasabing pagtugon ng Department of Education (DepEd) ng administrasyong Aquino sa problemang pagsiksikan sa isang klasrum at guro ng aabot sa 75 mag-aaral sa pampublikong mga eskuwelahang elementarya at hayskul.

.“Tatlong linggo nang nakapagsimula ng klase, at hindi maipagkakailang lumala, mas talamak ang sitwasyon ng edukasyon,” ayon kay Gabriela Rep. Emmi De Jesus, sa protesta sa harap ng tanggapan ng DepEd.

Kinukuwestiyon naman ng grupo ng child rights advocates na Salinlahi Alliance for Children’s Concerns ang sinseridad ni Education Sec. Armin Luistro sa pagtugon sa problema.

“Imbes na seryosong tugunan ang matagal nang problema sa sistema ng edukasyon, lumilikha ng ilusyon si Luistro na natinutugunan daw ng gobyerno ang responsabilidad nito sa edukasyon,” ayon kay Kharlo Manano, pangkalahatang kalihim ng Salinlahi.

Dagdag pa niya, ilang buwan bago magbukas ang klase, inanunsiyo ni Luistro na natugunan na ang kakulangan sa mga klasrum. Pero sa reyalidad, iyung kakulangan noong 2010 pa lamang ang natugunan ng DepEd.

Inilahad pa ng Salinlahi ang atake sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga probinsiya. Nakapagtala umano sila ng kaso ng Armed Forces of the Philippines na nagsasagawa ng kontra-insurehensiyang mga aktibidad na kabahagi di umano ang mga bata sa Mindanaw at nagdudulot ng takot at matinding kalungkutan sa mga bata, guro, at buong komunidad. Nagiging legal pa umano ito dahil sa DepEd memorandum 221 na inilabas nito noong Disyembre 2013.

Tinuligsa naman ng Gabriela ang Government Assistance to Students and Teachers in Public Education (Gastpe) ng gobyerno bilang isang panandaliang solusyon para pagtakpan ang kabiguan ng gobyerno sa krisis sa edukasyon.

Isa sa layunin ng Gastpe ang bawasan ang labis na populasyon ng mag-aaral sa paglipat sa mga ito mula publiko patungong pribado bilang mga iskolar.

“Ang katotohanan na walang kasiguruhan ibinigay sa mga magulang kung hanggang kailan ang subsidiya sa matrikula, at sa kabilang banda, binibigyan ang mga pribadong paaralan ng kaluwagan para magtaas ng matrikula,” ayon kay De Jesus.

Dagdag ni De Jesus, dapat inilaan na lamang umano ang badyet para sa Gastpe sa pagpapatayo ng mga imprastraktura na tutulong para mapaunlad ang sistema ng edukasyon sa pangmatagalan.

Binigyang diin din ng Gabriela na kailangan dagdagan ng gobyerno ang badyet para sa publikong edukasyon. Ginamit ng Gabriela ang pag-aaral ng Unesco (United Nation Educational, Scientific, and Cultural Organization) na nagsasabing bagamat tumaas ang paglalaan sa edukasyon mula 13.9 tungong 15 porsyento ng pambansang badyet mula 1999 tungong 2011, bigo pa rin nitong maabot ang rekomendasyon ng Unesco na 20 porsyento ang dapat inilalaan.

“Malinaw na nananatiling ang edukasyon sa prayoridad ng gobyernong Aquino. Tatlong taon sa ‘Tuwid na Daan’ ni Aquino, hindi ito nagdala sa atin sa mas mabuting edukasyon para sa ating mga anak. Responbale si Aquino sa pagtuloy na paghihirap ng ating publikong edukasyon,” ayon kay De Jesus.