Pambansang Isyu

Health workers, nanawagan na ring ‘patalsikin si Aquino’


Nanawagan ang mga kawani sa kalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) ng pagpapatalsik sa puwesto ni Pangulong Aquino. Dahil umano ito sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklara ng ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas. Ayon sa AHW, sumasahol umano ang kalagayan ng mga kawani sa kalusugan sa […]

Isang pang-hoholdap umano ang mistulang ginawa ni Aquino sa mga kawani ng kalusugan dahil sa Disbursement Acceleration Program.Pher Pasion
Isang pang-hoholdap umano ang mistulang ginawa ni Aquino sa mga kawani ng kalusugan dahil sa Disbursement Acceleration Program.<strong>Pher Pasion</strong>
Isang pang-hoholdap umano ang mistulang ginawa ni Aquino sa mga kawani ng kalusugan dahil sa Disbursement Acceleration Program. Pher Pasion

Nanawagan ang mga kawani sa kalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) ng pagpapatalsik sa puwesto ni Pangulong Aquino. Dahil umano ito sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklara ng ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas.

Ayon sa AHW, sumasahol umano ang kalagayan ng mga kawani sa kalusugan sa ilalim ng administrasyong Aquino. Dahil ito sa mababang badyet na inilalaan sa sektor ng kalusugan, habang tinatayang P177 Bilyon naman ang pondong napunta sa DAP.

“Tahasan na mismong sinusuway ng presidente ang mismong kautusan ng Korte Suprema. Nararapat na patalsikin siya sa puwesto at hindi na lamang basta impeachment. Dahil kung papabayaan natin ito, di lamang daang bilyong pisoang lulustayin nila, hindi lamang karapatan sa kalusugan ang kanilang pababayaan–lahat na dapat nating tinatamasa na karapatan ay lalo nilang sisikilin at ibenta sa pinakamataas na manunuhol sa kanila,” ani Jossel Ebesate, tagapangulo ng AHW.

Ayon kay Ebesate, malinaw kung sino at kaninong interes ang DAP. Inihalimbawa ni Ebesate ang panunuhol diumano sa mga senador para bumoto laban kay dating Chief Justice Renato Corona sa puwesto.

Panawagan ng kawani sa kalusugan na patalsikin sa puwesto sina Pangulong Aquino at Department of Budget and Management Sec. Butch Abad dahil sa Disbursement Acceleration Program.<strong>Pher Pasion</strong>
Panawagan ng kawani sa kalusugan na patalsikin sa puwesto sina Pangulong Aquino at Department of Budget and Management Sec. Butch Abad dahil sa Disbursement Acceleration Program.Pher Pasion

“Nararapat lamang na tayo, mga manggagawang pangkalusugan, ang manawagang i-abolish ang DAP at iba pang pork barrel sa pamahalaan para suhulan ang iba’t ibang opisyal sa gobyerno,” ayon kay Ebesate.

Panawagan din ng AHW na dagdagan ang badyet sa kalusugan.

‘Understaffing’

Mula noong 2010, nananawagan ang mga kawani sa kalusugan ng dagdag-badyet. Pero tinatanggihan ito ng Department of Budget and Management. Lagi umanong dahilan ng ahensiya na walang pondo ang gobyerno.

Dahil sa sinasabing kakulangan daw ng pondo, papaliit ang bilang ng mga kawani sa mga opistal o pagkakaroon ng understaffing.

Halimbawa nito ang naganap sa Lung Center of the Philippines, kung saan halos dalawang tao lamang ang nasa duty sa isang takdang panahon dahil sa kulang ang badyet para kumuha ng karagdagang istap.

Nasa 30 pasyente kada dalawang nars umano ang ratio sa bawat ward, ayon kay Eleazar Sobinnsky, tagapangulo ng Lung Center of the Philippines Employees Association-AHW.

“Kawawa ang mga empleyado at mga pasyente dahil hindi natin sila mabigyan ng tamang serbisyo dahil sa kulang sa badyet. Kung ginamit sana ang DAP na ‘yan para magdagdag ng kawani. Paano kung sila naman ang magkasakit?” ayon kay Sobinnsky.

Mababang sahod

Gayundin, sa baba ng sahod na natatanggap ng mga kawani sa kalusugan, matindi ang nagiging epekto sa kanila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. Sa panawagan nilang P6,000 dagdag-sahod, wala pa rin naging tugon ang gobyerno.

Pagbabawas pa sa kanilang mga benepisyo umano ang kanilang kinaharap.

Ayon sa AHW, sadyang may pondo ang gobyerno na ipinakikita ng DAP at iba pang pork barrel na natatanggap ng mga opisyal. Sapat umano sana ito para tugunan ang pangangailangan ng serbisyong pangkalusugan ng mga mamamayan.

“Hindi na pinagkakatiwalaan ng mga kawani sa kalusugan si Aquino para patakbuhin ang gobyerno. Sa kanyang termino, umabot sa milyun-milyong Pilipino ang nakakaranas ng kahirapan at lubhang kakulangan sa serbisyong pangkalusugan,” pagtatapos ni Ebesate.