Kabataan Karapatang Pantao

Dalawa na namang mag-aaral ng UP, dinukot ng militar sa Gitnang Luzon


Kinondena ng kabataan sa magkahiwalay na pagkilos nila sa Department of Justice at sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, ang isa na naman umanong kaso ng pagdukot sa dalawang mag-aaral ng UP sa Gitnang Luzon hapon ng Agosto 9. Alas-tres ng hapon nang biglang pasukin umano ng mga elemento ng 3rd Infantry Battalion ng Philippine Army ang […]

Giit ng kabataan, palayain ang mga dinukot at ikinulong na mga lider kabataan sa Gitnang Luson at gayundin ang lahat ng bilanggong politikal.Pher Pasion
Kinondena ng kabataan ang pagdukot sa dalawang lider kabataan sa Gitnang Luzon.<strong>Pher Pasion</strong>
Kinondena ng kabataan ang pagdukot sa dalawang lider kabataan sa Gitnang Luzon.Pher Pasion

Kinondena ng kabataan sa magkahiwalay na pagkilos nila sa Department of Justice at sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, ang isa na naman umanong kaso ng pagdukot sa dalawang mag-aaral ng UP sa Gitnang Luzon hapon ng Agosto 9.

Alas-tres ng hapon nang biglang pasukin umano ng mga elemento ng 3rd Infantry Battalion ng Philippine Army ang bahay na tinutuluyan nila Guillier Martin Cardona, 22, at Gerald Salonga, 24, sa Brgy. RT Padilla Carranglan, Nueva Ecija.

Parehong nagtapos ng kursong Psychology ang dalawa sa University of the Philippines Diliman – Extension Program in Pampanga (UPDEPP). Sa kasalukuyan, si Cadano ang chairperson ng Kabataan Partylist sa Gitnang Luson at miyembro naman ng Anakbayan si Salonga.

Kasalukuyan sila ngayong nakapiit sa Provincial Police Security Jail sa Cabanatuan City, Nueva Ecija sa kasong ‘illegal possession of firearms and explosives.’

Pagdukot at hindi pag-aresto

Taliwas sa sinasabi ng AFP na pag-aresto at hindi pagdukot ang nangyari sa dalawang mag-aaral ng UP, pero malinaw umano ang mga pangyayari kaugnay nito, ayon sa Kabataan.

Giit ng kabataan, palayain ang mga dinukot at ikinulong na mga lider kabataan sa Gitnang Luson at gayundin ang lahat ng bilanggong politikal.<strong>Pher Pasion</strong>
Giit ng kabataan, palayain ang mga dinukot at ikinulong na mga lider kabataan sa Gitnang Luson at gayundin ang lahat ng bilanggong politikal.Pher Pasion

Ayon sa Kabataan, nang pasukin ng mga elemento ng militar ang tinutuluyan ng dalawa, pinadapa sila at agad na piniringan ang mga mata. Agad na isinakay si Cadano sa pulang van, samantalang sa puting pick-up truck naman si Salonga.

“Batay sa initial reports, piniringan (ng militar) ang dalawa at puwersahang isinakay sa van at pick-up truck ng mga armadong lalaki. Kinabukasan (Agosto 10) na lang nalaman kung saan sila dinala. Hindi natin alam kung anong nangyari sa mga oras na nawala sila. Maaaring dumanas sila ng torture o kung ano pa. Kidnapping na nga ito kung tutuusin e,” ayon kay Kabataan Rep. Terry Ridon.

Ayon naman sa League of Filipino Students (LFS), bahagi ng opensiba ng militar laban sa legal na progresibong mga grupo ang “pagtatanim at pagmamanipula ng ebidensiya, pagsasampa ng mga gawa-gawang kriminal na kaso, at pagpapakilala sa mga inarestong aktibista na armadong mga rebelde.”

“Pagdukot, ilegal na pag-aresto at pagkulong, tapos sasampahan ng gawa-gawang kriminal na mga kaso, batay sa minanipulang mga ebidensiya – naging karaniwang bahagi na ito ng Oplan Bayanihan ni Aquino. Hindi humupa ang ganitong mga krimen ng militar mula pa noong madugong panahon ni (dating heneral) Jovito Palparan,” ayon kay Charlotte Velasco, tagapagsalita ng LFS.

Dapat palayain ng administrasyong Aquino ang dalawang lider-kabataan, ayon sa Student Christian Movement of the Philippines (SCMP).

“Tinatawagan namin si Justice Sec. Leila De Lima na ituwid ang ilegal na gawaing to at panagutin ang mga opisyal at miyembro ng AFP at PNP na sangkot sa pagdukot,” ani Einstein Recedes, tagapangulo ng SCMP.