Kabataan Karapatang Pantao

Ika-58 buwan ng Ampatuan masaker, ginunita ng CEGP


Nag-alay ng kandila ang mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) bilang simbolo ng paghahanap pa rin ng hustisya sa mga naging biktima ng Ampatuan masaker at iba pang alagad ng midya na pinaslang. Itinaon nila ito sa ika-58 buwan ng Ampatuan masaker, na naganap noong Nobyembre 23, 2009 at ikinasawi ng […]

Nagtirik ng kandila ang mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines sa paggunita ng ika-58 buwan ng Ampatuan masaker.Pher Pasion
Nagtirik ng kandila ang mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines sa paggunita ng ika-58 buwan ng Ampatuan masaker.<strong>Pher Pasion</strong>
Nagtirik ng kandila ang mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines sa paggunita ng ika-58 buwan ng Ampatuan masaker. Pher Pasion

Nag-alay ng kandila ang mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) bilang simbolo ng paghahanap pa rin ng hustisya sa mga naging biktima ng Ampatuan masaker at iba pang alagad ng midya na pinaslang.

Itinaon nila ito sa ika-58 buwan ng Ampatuan masaker, na naganap noong Nobyembre 23, 2009 at ikinasawi ng 58 indibidwal, kabilang ang 32 mamamahayag.

“Nanawagan ng hustisya ang mga publikasyong pangkampus hindi lamang sa mga biktima ng Ampatuan masaker kundi maging sa lahat ng mga miyembro ng midya na pinaslang sa Pilipinas. Kailangan managot sa taumbayan si Noynoy Aquino dahil mapasahanggang ngayon, wala pang nangyayari sa ipinangako niyang hustisya,” ayon kay Marc Lino Abila, presidente ng CEGP.

Bago pa man maging presidente si Aquino, nangako ito na kung mauupo sa puwesto ay bibigyan ng katarungan ang mga biktima ng Ampatuan masaker. Hindi pa rin ito natutupad sa kasalukuyan.

Mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines sa Mendiola sa ika-58 buwan ng Ampatuan massacre.<strong>Pher Pasion</strong>
Mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines sa Mendiola sa ika-58 buwan ng Ampatuan masaker. Pher Pasion

Dagdag ni Abila, “higit na nakakagalit ang sinabi ni Aquino sa Belguim kamakailan na hindi daw work related ang mga naging pagpatay sa ibang mga alagad ng midya. Nagpapakita ito o salamin ito ng kawalang sinseridad ng pangulo na bigyan ng hustisya ang mga biktima.”

Mula noong 1986, nasa 145 na ang naitalang kaso ng pamamaslang sa hanay ng midya. Sa 145 na kaso, mayroong 25 kaso ng pamamaslang ang naitala sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Wala signipikanteng hakbang ang administrasyon para matigil ang mga pamamaslang sa hanay ng midya, ayon sa CEGP. Umano’y naririyan pa rin ang kultura ng walang-pakundangang pamamaslang, pananatili ng private armies, at mga banta sa buhay ng mga mamamahayag,

“Maging sa campus publications, tumatagos ang tinatawag nating culture of impunity at pag-atake sa midya. Nariyan halimbawa sa mga forum ng mga militar sa mga school kung saan nagkakaroon ng red baiting o inaakusahang communist fronts ang mga kritikal o progresibong mga publikasyong pangkampus. Nalalagay sa panganib ang mga buhay ng mga campus journalist sa ganoon,” ayon kay Abila.

Sa unang anim na buwan ng 2014, nakapagtala CEGP ng 185 kaso ng paglabag sa kalayaan sa pamamahayag sa kampus kabilang ang libelo, harassment, surveillance, at iba pa.

“Nakakaranas na ng mabibigat na kaso kagaya ng libelo ang campus journalists. Halimbawa ang kaso na kinakaharap ngayon ng UP Baguio Outcrop na umabot na sa korte. At huwag din nating kakalimutan ang kaso ni Beng Hernandez na napaslang sa kamay ng mga ahente ng CAFGU (Civilian Armed Forces Geographical Units) na wala pa ring hustisya sa kasalukuyan,” ayon kay Abila.

Si Hernandez ay dating mamamahayag pangkampus mula sa Atenews ng Ateneo De Davao University na napaslang ng mga ahente ng CAFGU sa pamumuno ni M/Sgt Antonio Torilllo noong Abril 5, 2002 sa North Cotabato, habang nasa fact-finding mission sa kalagayan ng karapatang pantao sa komunidad ng mga Lumad.

Umabot ang kaso ni Hernandez sa United Nations Human Rights Committee, na kinuwestiyon ang gobyerno ng Pilipinas sa kawalang aksyon nito sa kaso, sa kabila ng matibay na ebidensya laban sa mga salarin. Wala pa ring katarungang nakakamit ang pamilya ni Hernandez sa kasalukuyan.