Kabataan

MGA LARAWAN | LFS, nagrali sa embahada ng US bilang paggunita sa ika-37 anibersaryo nito


Sumugod sa embahada ng Estados Unidos (US) ang kabataan sa ilalim ng League of Filipino Students (LFS) bilang protesta sa patuloy na pagiging sunud-sunuran umano ng administrasyong Aquino sa dikta ng gobyerno ng US. Ginunita rin ng grupo ang ika-37 taong anibersaryo ng LFS, na kilala bilang “anti-imperyalistang organisasyon” ng kabataang estudyante sa bansa na […]

Panawagan ng LFS na ibasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement at panagutin si Pres. Benigno Aquino III sa pagbebenta umano ng soberanya ng bansa.Pher Pasion

Sumugod sa embahada ng Estados Unidos (US) ang kabataan sa ilalim ng League of Filipino Students (LFS) bilang protesta sa patuloy na pagiging sunud-sunuran umano ng administrasyong Aquino sa dikta ng gobyerno ng US.

Ginunita rin ng grupo ang ika-37 taong anibersaryo ng LFS, na kilala bilang “anti-imperyalistang organisasyon” ng kabataang estudyante sa bansa na itinatag noong 1977.

Ayon sa grupo, nagpapatuloy ang “dominasyon ng Amerika sa ekonomiya at pilitika ng bansa” lalo na sa ilalim ng administrasyong Aquino. Isa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa mga patunay ng pagiging sunud-sunuran umano ng administrasyon sa kagustuhan ng US. Pagsuko umano ito sa soberanya ng bansa.

Sa kanilang protesta sa harapan ng nasabing embahada, muling pinatibay ng mga miyembro ng LFS ang “anti-imperyalista at makabayang mga adhikain.” Kanila ring inialay ang pagdiriwang sa mga naging martir nilang kasapi at gayundin sa mga nag-alay ng sariling buhay para sa kalayaan ng bansa.

Martsa ng LFS patungong Embahada ng Amerika.<strong>Pher Pasion</strong>
Martsa ng LFS patungong embahada ng US. Pher Pasion
Panawagan ng LFS na ibasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement at panagutin si Pres. Benigno Aquino III sa pagbebenta umano ng soberanya ng bansa.<strong>Pher Pasion</strong>
Panawagan ng LFS na ibasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement at panagutin si Pangulong Aquino sa pagbebenta umano ng soberanya ng bansa. Pher Pasion
Simbolikong sinunog ng mga miyembro ng LFS ang watawat ng Amerika bilang simbolo ng kanilang paglaban sa imperyalismo.<strong>Pher Pasion</strong>
Simbolikong sinunog ng mga miyembro ng LFS ang watawat ng US bilang simbolo ng paglaban sa imperyalismo. Pher Pasion
<strong>Pher Pasion</strong>
Pher Pasion