Uncategorized

LIVE COVERAGE | Salubong sa ManiLakbayan ng Mindanao


Live streaming video by Ustream 10:15 ng umaga 24 Nobyembre 2014 LIVE COVERAGE ng Pinoy Weekly sa pagsalubong ng iba’t ibang sektor sa mahigit 300 katutubo at mamamayan na kalahok sa ManiLakbayan ng Mindanao sa Recto Avenue, Manila. Naglakbay sila mula iba’t ibang bahagi ng Mindanao, dumaan ng Eastern Visayas, Bicol, Southern Tagalog at nakarating […]


Live streaming video by Ustream
Kuha ni Ilang-Ilang Quijano
Kuha ni Ilang-Ilang Quijano

10:15 ng umaga
24 Nobyembre 2014

LIVE COVERAGE ng Pinoy Weekly sa pagsalubong ng iba’t ibang sektor sa mahigit 300 katutubo at mamamayan na kalahok sa ManiLakbayan ng Mindanao sa Recto Avenue, Manila.

Naglakbay sila mula iba’t ibang bahagi ng Mindanao, dumaan ng Eastern Visayas, Bicol, Southern Tagalog at nakarating na ngayon sa Kamaynilaan. Layunin ng paglakbay nila ang mabigyan ng atensiyon sa publiko ang malawakang militarisasyon na bumibiktima sa mga mamamayan ng Mindanao, gayundin ang pananakop sa kanilang mga lupain ng malalaking kompanya ng mina, agro-corporations at iba pa. Ayon sa mga grupong pangkarapatang pantao, dumarami ang bilang ng mga lider-katutubo, environmentalist, aktibista at lumalabang mga mamamayan na napapaslang, nadudukot at hinaharas sa iba’t ibang probinsiya ng Mindanao.

Samantala, lumalakas din ang pagtutol ng iba’t ibang komunidad at sektor dito sa tinaguriang development aggression na pinoprotektahan ng halos 60 porsiyento ng tropa ng militar sa bansa.

(Basahin: Killings, militarization drive Mindanaoans to Manila journey)