Main Story

Tangkang pangongotong sa doktor na isa sa Morong 43, nabisto


Hinuli ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang piskal na diumano’y nangongotong sa dating bilanggong pulitikal na si Dr. Alexis Montes para ibasura ang isang “nuisance case” na inihabla laban sa kanya ng isang dating military chaplain. Ayon sa mga abogado ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na naghahawak ng kaso […]

Entrapment operation laban kay Assistant City Prosecutor III Desambrana sa Quezon City dahil sa tangkang pangongotong diumano kay Dr. Alexis Montes. Video grab mula sa <strong>NUPL</strong>
Entrapment operation laban kay Assistant City Prosecutor III Raul Desambrana sa Quezon City dahil sa tangkang pangongotong diumano kay Dr. Alexis Montes. Video grab mula sa NUPL/Kodao

Hinuli ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang piskal na diumano’y nangongotong sa dating bilanggong pulitikal na si Dr. Alexis Montes para ibasura ang isang “nuisance case” na inihabla laban sa kanya ng isang dating military chaplain.

Ayon sa mga abogado ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na naghahawak ng kaso ni Montes, nakipag-ugnayan sila sa tanggapan ni Justice Sec. Leila de Lima para magsagawa ng operasyong entrapment laban kay Assistant City Prosecutor III Raul Desambrana mula sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Kinontak umano ni Desambrana ang NUPL para humingi ng P80,000 na “SOP” kapalit ng pagbabasura ng kaso. Diumano’y hiniling ng piskal na magsulat ang NUPL ng burador ng resolusyon na nagbabasura sa kaso, kapalit ng pagdeliber ng “SOP”.

In pursuing the entrapment of  Prosecutor Desembrana, the NUPL – aware of the risk of reprisal to its legal practice and advocacy and even brickbats from colleagues who want to play along with the system — intends to send the message that people in power should not get away not only with rights violations but also with their corrupt acts. Perhaps it is a modest contribution to to the curtailment of impunity that has contaminated each nook and crevice of government,” pahayag ng NUPL.

Si Montes ay isang community doctor at isa sa mga manggagawang pangkalusugan na tinaguriang “Morong 43” na tinortyur at kinulong ng militar noong 2010 batay sa sa “gawa-gawang” mga kaso.

Sinabi ng NUPL na nakipagkonsultahan ito kay Montes bago nagdesisyong kontakin si De Lima para sa operasyong entrapment.

We will not be bought. Nor will we buy justice. We will not allow ourselves to be infected with this epidemic of corruption that further gnaws at our already floundering hopes and aggravates the frustration of the people who are given little fighting chance to ‘beat the system’,” sabi pa ng NUPL.

Bidyo na kuha ng Kodao sa operasyong entrapment sa isang restawran sa Quezon Memorial Circle ngayong tanghali ng Nob. 14: