Pambansang Isyu

MGA LARAWAN | Iba’t ibang grupo, nanalangin, nakiramay sa nasawi sa Mamasapano

Nagtungo ang iba’t ibang grupo kasama ang mga alagad ng simbahan sa harap ng Camp Crame sa Quezon City para mag-alay ng panalangin at makiramay sa mga nasawi sa pagdanak ng dugo sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), 18 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), at hindi […]

Pakikidalamhati sa lahat ng mga Kristiyano at Muslim na nasawi. Pher Pasion

Nagtungo ang iba’t ibang grupo kasama ang mga alagad ng simbahan sa harap ng Camp Crame sa Quezon City para mag-alay ng panalangin at makiramay sa mga nasawi sa pagdanak ng dugo sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), 18 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), at hindi bababa sa pitong sibilyan.

Nanawagan sila ng katotohanan at pananagutan sa pangyayaring ito at umaasang walang anumang pagtatakip na magaganap kaugnay ng imbestigasyon. Samantala, ipinanawagan din nila ang pagbibitiw  at pagpapanagot ni Pangulong Aquino sa pananagutan niya sa pangyayari.

Nagtirik ng kandila at nag-alay ng mga bulaklak ang iba't ibang grupo sa harapan ng Camp Crame. Pher Pasion
Nagtirik ng kandila at nag-alay ng mga bulaklak ang iba’t ibang grupo sa harapan ng Camp Crame. Pher Pasion
Katotohanan at pananagutan ang hanap ng mga mamamayan gayundin na sana walang anumang pangtatakip sa kaso. Pher Pasion
Katotohanan at pananagutan ang hanap ng mga mamamayan gayundin na sana walang anumang pangtatakip sa kaso. Pher Pasion
Naghahanap naman ng hustisya ang kabataan para sa lahat ng mga nasawi sa Mamasapano, Maguindanao. Pher Pasion
Naghahanap naman ng hustisya ang kabataan para sa lahat ng mga nasawi sa Mamasapano, Maguindanao. Pher Pasion
Pag-aalay ng panalangin ng mga taong simbahan para sa lahat ng mga nasawi sa Mamasapano, Maguindanao. Pher Pasion
Pag-aalay ng panalangin ng mga taong simbahan para sa lahat ng mga nasawi sa Mamasapano, Maguindanao. Pher Pasion
Dapat umanong managot at magbitiw sa puwesto si Benigno Aquino III dahil sa pagdanak ng dugo sa Mamasapano, Maguindao. Pher Pasion
Dapat umanong managot at magbitiw sa puwesto si Pangulong Aquino dahil sa pagdanak ng dugo sa Mamasapano, Maguindanao. Pher Pasion
Pakikidalamhati sa lahat ng mga Kristiyano at Muslim na nasawi. Pher Pasion
Pakikidalamhati sa lahat ng mga Kristiyano at Muslim na nasawi. Pher Pasion