Pambansang Isyu

Obispo Pabillo, nagdaos ng misa para sa katarungan sa Mamasapano


Nag-alay ng misa ang mga grupo at indibidwal na nananawagan ng katotohanan at katarungan para sa mga biktima ng insidente sa Mamasapano, Maguindanao. Minarkahan ng misa ang ikadalawang buwan ng madugong trahedya. Pinangunhan ni Obispo Broderick Pabillo ang selebrasyon ng misa na ginanap sa Christ the King Seminary sa Quezon City. Sa kanyang homily, sinabi […]

Iba-iba ang man ang porma, nagkakaisa tayo sa panawagang panagutin si Pangulong Aquino, ani Obispo Broderick Pabillo. Darius Galang
Iba-iba ang man ang porma, nagkakaisa tayo sa panawagang panagutin si Pangulong Aquino, ani Obispo Broderick Pabillo. <b>Darius Galang</b>
Iba-iba ang man ang porma, nagkakaisa tayo sa panawagang panagutin si Pangulong Aquino, ani Obispo Broderick Pabillo. Darius Galang

Nag-alay ng misa ang mga grupo at indibidwal na nananawagan ng katotohanan at katarungan para sa mga biktima ng insidente sa Mamasapano, Maguindanao.

Minarkahan ng misa ang ikadalawang buwan ng madugong trahedya. Pinangunhan ni Obispo Broderick Pabillo ang selebrasyon ng misa na ginanap sa Christ the King Seminary sa Quezon City.

Sa kanyang homily, sinabi ni Pabillo na marami ang nananawagang dapat bumaba sa puwesto si Pangulong Aquino, na siyang itinuturong may pangunahing pananagutan sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano.

Maikling programa sa labas ng simbahan matapos ang misa. <b>Darius Galang</b>
Maikling programa sa labas ng simbahan matapos ang misa. Darius Galang

Pero higit dito, marami rin ang nananawagang baguhin ang sistema, sa iba’t ibang paraan. “Kahit hindi tayo nagkakasundo sa mga panawagan, nagkakaisa tayo sa paghingingi ng accontability and responsibility. Iyan ang hinahanap ng kaanak ng mga nasawi,” sabi ni Pabillo.

Sinabi rin ni Pabillo na hindi sapat ang paghingi ng paumanhin ni Aquino. “Kung sino ang may kasalanan, aminin ang kasalanan,” aniya.

Binasa rin sa misa ang mga mensahe ng mga naulila ng 44 na miyembro ng Special Action Force na nasawi sa insidente. Isa rito ang mula kay Kristine Sempron, ang naulila ni PO2 Monico Sempron.

Sa pahayag ni Sempron, sinabi niyang naaalala niya nang nakipagdiyalogo ang naulilang mga pamilya sa Pangulo. Hanap pa rin umano nila ang katarungan at pagpapanagot sa mga responsable sa insidente.

Teddy Casino ng Noynoy Out Now. <b>Darius Galang</b>
Teddy Casino ng Noynoy Out Now. Darius Galang

Matapos ang misa, nagkaroon din ng maiksing programa ang mga grupong dumalo sa labas ng simbahan. Panawagan nila na maging mapagmatyag ang publiko, lalo na’t muling magpapahayag si Aquino ngayong Marso 26 tungkol sa insidente.

“Kitang kita na hanggang ngayo’y hindi tinatanggap ni Aquino na siya ang may pananagutan. Sa kabila ng lumabas na ulat ng Board of Inquiry, sa kabila ng lumabas na ulat ng Senado, sa kabila ng halos lahat ng Pilipino ang naniniwala na siya ang ang may pananagutan, patuloy pa niyang sinisisi ai (dating Philippine National Police Director General Alan) Purisima, si (dating SAF Commander Getulio) Napenas, lahat—puwera na lang ang sarili (niya),” sabi ni Teddy Casino, tagapagsalita ng Noynoy Out Now (NOW). “Dadalhin niya sa kanyang hukay sa kanyang konsensiya ang nangyaring ito.”

Sinabi pa ni Casino na anng tanging paraan ng pagpapanagot sa mga may responsabilidad sa Mamasapano at sa marami pang kasalanan ng administrasyon Aquino ay ang pagbitiw sa puwesto ni Aquino.