Spell Malicious Mischief?

Nitong nagdaang mga araw, inaresto sa pagtatanggol sa kanilang kampuhan ang pitong manggagawang bukid.
Ang kanilang kaso?
Malicious mischief. Oha.

Nitong nagdaang mga araw, inaresto sa pagtatanggol sa kanilang kampuhan ang pitong manggagawang bukid.
Ang kanilang kaso?
Malicious mischief. Oha.

Sa isang bayang mas pinoproblema pa ng mas nakararami ang trapik, pagkaantala sa mga pupuntahan dahil walang masakyan- responsableng pagbabalita nga siguro ang inirereport sa tv, radyo at dyaryo na perwisyo ang naidudulot ng welga ng mga tsuper at operator. You can’t please everybody, ika nga. Sa kada pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo, may dalawang panig, ang mga [...]

Palaging sinasabi, ang Pilipinas ay isang bayan na patuloy na naghahanap ng iidolohin at bayani.
At bakit nga hindi?

Isang taon na ang lumipas mula nang akusahang miyembro ng New People’s Army at ikulong si Ericson Acosta. Isang taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin napatutunayan ang katotohanan ng mga kasong inihain laban sa kanya. Arts month pa man din ngayon, at kung wala lang ding maihahaing matibay na ebidensya ang pamahalaan laban sa makata-manunulat-mangaawit-kompositor-manggagawang pangkulturang si Ericson, mas makabubuti pang palayain na lang nila.

Masakit sa isang pamilya ang mawalan ng mahal sa buhay. May mga nawawalan dahil sa sakit. May nawalan dahil sa di maiiwasang aksidente. At may nawalan dahil inagaw ng kung sino ang mga mahal nila

Mga tulang alay sa lumalabang mga mamamayan ng Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan City.

Mga tulang alay sa mga biktima ng bagyong Sendong at ng sistemang pinalalamon ng kasakiman ng iilan lamang sa sanlaksang nabibilang sa ating lipunan.

Nakatakdang bitayin sa darating na ika-8 ng Disyembre ang isa na namang Pilipino sa Tsina. Sinasabing may dalang 1.495 kilograms ng heroin galing Malaysia nang mahuli ito noong September 13, 2008 sa Guilin International Airport. Habang tanging pagkabahala lamang sa lumalaking bilang ng mga nagiging drug mule ang kayang gawin ng gobyerno, nananatili namang kapos [...]
Nakikisanib din ang mga makata ng Kilometer 64 Poetry Collective sa Occupy Movement upang maipakita ang pakikiisa ng pangkat sa layunin nilang gisingin ang mga natutulog at nagtutulog-tulugan sa ating pamahalaan.
Naririto ang mga tula mula sa mga makata ng KM 64 na nagpapahalaga sa ambag ni Ka Roger sa larangan ng pakikibaka sa Pilipinas.