Mabagal ang dating ng mga bombero, kaya’t natupok ang daan-daang kabahayan sa isang maralitang komunidad sa Tondo, Maynila. Para na ring naisakatuparan ng gobyerno ang balak nitong demolisyon, ayon sa mga residenteng masama ang loob.
Kung paglilimian, maaaring isipin na guguho anumang oras ang Katuparan kasama ng pangarap ng mga residente nito sa disenteng panirahan.