Handa nga ba ang Pilipinas sa kalamidad? O kaya nama’y isang araw, gugulatin na lang tayo ng matinding pagragasa ng bagyo o baha? Sa pagtutuon ng gobyerno sa “emergency response,” sa halip na isang mas komprehensibong “disaster management,” alam na natin ang sagot.
Nangunguna ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na pinakamadalas na tinamaan ng natural sakuna noong 2009, ayon sa Citizens’ Disaster Response Center (CDRC). Tinamaan ang Pilipinas ng 26 na natural disaster noong nakaraang taon, batay sa mga rekord ng Centre for Research on the Epidemiology of Disasters (CRED), ayon kay Lourdes Louella Escandor, executive [...]
Apr 16 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Hindi lang simpleng namahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Pepeng ang mga miyembro ng Bayan. Nagprotesta rin sila sa Gitna at Hilagang Luzon, at nagmulat pa sa mga mamamayang nabiktima ng kapabayaan at kasamikan ng mga nasa kapangyarihan.
Nov 18 2009 | Posted in
Lathalain |
Read More »
May ilang nagsasabing hindi raw gawain ng mga Pilipino ang magturo ng pananagutan sa panahon ng sakuna. Unahin muna raw ang pagtulong bago ang pagturo. Pero sa kasong ito, sa pagkakataong ito na napakalinaw kung sino ang may pananagutan sa mga trahedya, hindi dapat natin pinalalampas ang panahong maningil at humiling ng hustisya. Si Arroyo, ang mga ahensiya ng kanyang rehimen, ang mga pabayang lokal na opisyal – dapat natin silang singilin.
Nov 4 2009 | Posted in
Opinyon |
Read More »
Lampas nang isang buwan nang bumigwas ang bagyong “Ondoy” at “Pepeng.” At ipinapaalaala ng serialidad ng mga bagyo ang mortalidad ng buhay at alaala. May nakapagsabing walang memorya ang mga Filipino. Paano nga magkakaalaala kung paratihang literal at figuratibong binabaha ang mga objek ng alaala? Inaanod palabas kundi man nilulubog sa baha at putikan para, [...]
Nov 4 2009 | Posted in
(Kolum),
Pasintabi |
Read More »
Ano ang naghihintay sa mga maralitang lungsod na nasalanta ng bagyo na tinanggap ang alok ng programang ‘Balik-Probinsiya’ ng pamahalaan? Kung kahirapan at karahasan ang iniwan sa kanayunan, ano ang maaaring kahihinatnan ng kanilang pagbabalik?
Isang tula pagkatapos ng mga bagyo.
Oct 27 2009 | Posted in
Kultura |
Read More »
Nagmartsa ang daan-daang magsasaka mula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan na apektado ng bagyong Ondoy at Pepeng para igiit sa Malakanyang ang isang 10-puntong programa na umano’y maglulutas sa matagal nang problema sa kanayunan. Mula sa isang camp-out sa opisina ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City, natungo sa Mendiola Bridge sa Maynila ang [...]
Oct 22 2009 | Posted in
Balita,
Multimedia |
Read More »
Hindi maitatangi, mahalaga ang naging papel na tinanganan ng midya para tulungan ang mga kababayan nating nasalanta ng mga bagyong “Ondoy” at “Pepeng”; pero masyado nga bang lumapad ang papel na ito?
Oct 22 2009 | Posted in
Kultura |
Read More »
Maraming dapat ipagpasalamat sa Facebook (FB) bagama’t ito rin ang dahilan ng paminsan-minsang pagkaantala ng ilang gawain. Sa panahon ng trahedya’t malayo ako sa Pilipinas, malaking bagay ang social media tulad ng FB para malaman ang nangyayari sa mga mahal sa buhay. Mahalaga rin ito sa mabilis na pagkuha ng impormasyon. Masasabing may magandang ugnayan [...]
Oct 18 2009 | Posted in
(Kolum),
Konteksto |
Read More »