Pinoy Weekly
Posts tagged as: US troops

Larawan: Pagbasura sa ekstensiyon ng RP-US Military Bases Agreement ginunita sa protesta

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ginunita ng mga militante sa pamamagitan ng protesta sa harap ng embahada ng US ang pagbasura sa pagpapalawig ng RP-US Military Bases Agreement. Sa ilalim ng kasunduang ito, nagmantine ang militar ng US ng tiyak na mga baseng militar sa Clark, Pampanga at Sublic, Zambales. Taong 1991 nang ibasura ng Senado, sa botong 12-11, ang pagpapalawig sa implementasyon ng naturang kasunduan. (Macky Macaspac)

Tropang Kano sa Sitio Agusuhin, Zambales

Dalawang sundalong Kano ang nakitang naglalakad, walang kasamahang sundalong Pilipino, sa Sitio Agusuhin, Subic, Zambales noong Oktubre 15. Bago ito, tumulong umano silang gumawa ng isang klasrum sa naturang sityo. Di armado ang mga Kano, pero pupuwede ba talaga silang gumala sa kabaryuhan ng lugar, (naka-fatigues, ibig sabihi’y may opisyal na lakad) nang walang sundalong Pinoy na sundalo na kasama dapat sa kanilang “ehersisyong militar”? (KR Guda)

Larawan: Prop. Simbulan, isiniwalat na may 600 nakikidigmang tropang Kano sa bansa

Share

Foul play sa kamay ng tropang Kano?

Isang Pinoy na namatay habang nagtatrabaho bilang interpreter ng mga tropang Amerikano sa Marawi City ang hinihinalang naging biktima ng karumal-dumal na krimen. Pero pilit umanong itinatago ng mga awtoridad ang ebidensya nito.

Balita: Tropang Kano, nagkalat na sa Kamaynilaan

Share

Kung nasa Pilipinas ang Blackwater…

Magdiriwang, tiyak, ang mga lokal na mersenaryo ng Armed Forces of the Philippines at si Pangulong Arroyo, na gaya ng Blackwater ay hindi napipigilan ang mga paglabag sa karapatang pantao ng marumi nang reputasyon.

Papaigting na pananakop?

Sa dalawang magkabilang panig ng Armed Forces of the Philippines si Edilberto Adan Jr. at Nancy Gadian. Ang isa, tagadepensa sa sistema, at ang isa, tagabunyag sa kabulukan sa loob nito. Ngunit sa isang pagdinig sa Senado, nagkasundo ang mga pahayag nila: Papaigtigting na nga ang lantarang ‘pananakop’ sa bansa ng tropang Kano.

Tropang US, permanente sa bansa, aktibong sangkot sa operasyong militar

Ibinunyag ngayon ng dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines na lantarang nilalabag ng tropang militar ng US ang Saligang Batas ng Pilipinas, pati na ang RP-US Visiting Forces Agreement. Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni dating Navy Lt. Nancy Gadian na personal niyang nakita ang pagmantine ng permanenteng presensiya ng [...]

Balita: Dating Navy Lt. Nancy Gadian, ibinunyag ang maraming paglabag umano ng tropang US sa VFA, Saligang Batas

Share

AFP sadyang inatake ang MILF sa Basilan?

Nananawagan ang Suara Bangsamoro, grupong nagtataguyod ng karapatan ng mga Moro, ng maagap na imbestigasyon sa operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines) AFP sa kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Baguindan, Tipo-Tipo, Basilan noong Agosto 12. Ayon kasi sa mga ulat na natanggap ng Suara sa mga sibilyan sa lugar, hindi [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes