Sinasabi ng administrasyong Aquino na pinangangambahan nito ang presensiya ng mga sasakayan ng China sa Spratlys. Pero tila nakakasangkapan lamang ito sa pagtutulak ng US na panatilihin at palakasin ang mga negosyo nito sa Pilipinas at Timog Silangang Asya, at kontrolin ang lumalakas na impluwensiya ng China sa rehiyon.
Naglunsad ng lightning rally ang rebolusyonaryong kababaihang miyembro ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o Makibaka, isang underground na organisasyon, sa Maynila. Ipinagdiwang nila ang ika-38 taong anibersaryo ng National Democratic Front o NDF, isang rebolusyonaryong alyansa ng mga organisasyong nagsusulong ng "digmaang bayan" laban sa kasalukuyang sistemang pulitikal at pang-ekonomiya sa bansa. (Boy Bagwis)
Dahil sa banta ng pagdating ng malalakas na alon sa Pilipinas mula sa karagatan matapos ang 8.9 magnitude na lindol sa bansang Japan, ipinayo ng Philippine Institute for Vulcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga lugar na karatig ng Pacific Ocean na maghanda. Kung kailanga'y mag-evacuate din sila.
Hindi maawat ang pagsirit ng presyo ng mga batayang bilihin, ganundin ang mga batayang serbisyo. Napipintong tumaas ang singil sa tubig, kuryente at iba pa. Paano nga ba nabubuhay ang mga maralitang Pilipino sa panahon ng ‘tuwid na daan’?