Idineklara ng Gabriela na hindi dapat pasalamatan si Pang. Arroyo para sa mga footbridge o tawiran ng tao na pinagawa ng gobyerno sa Kamaynilaan. Bagkus, nagmula sa buwis ng taumbayan ang pagpapagawa nito. Inihayag din ng grupo ang tingin nila'y mga legasiya ng gobyernong Arroyo, tulad ng pandaraya, pandarambong, kahirapan, kagutuman at pangungurakot. Nakapaskil ang malaking trapal sa mga footbridge sa Kamaynilaan na nagpapasalamat diumano kay Arroyo para sa mga footbridge. (Contributed Photo)
Inireklamo ng mga lider-kababaihan si Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay sa House Ethics Committee dahil sa mga bastos na pananalita ng mambabatas sa pagdinig ng House Committee on Justice.
Kinondena ng Gabriela at iba pang grupo ang mga magkakasunod na insidente ng pampolitikang panliligalig sa kanilang mga lider-kababaihan at miyembro sa Cebu at Caloocan City.
Nakalaya na si Jane Alfabete ng Gabriela Camanava matapos ilegal na arestuhin sa kasagsagan ng demolisyon sa Navotas City. Ibinasura rin ang mga kasong trespassing at direct assault na isinampa sa kanya.
Nagdiwang ng ika-16 na taon ang Gabriela Hong Kong bitbit ang panawagan laban sa mga isyung kinahaharap ng kababaihan sa loob at labas ng Pilipinas kabilang ang kahirapan, karahasan, korupsiyon at impunidad.