Migrante

Larawan: Presidentiables hinamon na tumindig laban sa OWWA Omnibus Policies, Labor Export Program


Sa ika-15 anibersaryo ng pagkamatay ni Flor Contemplacion, nagmartsa patungong Mendiola ang mga migranteng Pilipino at kanilang mga pamilya para kondenahin ang umanoy pambubusabos sa kanila sa ilalim ng 9 na taong panunungkulan ni Pangulong Arroyo. Hamon nila sa mga tumatakbo sa pagkapangulo, tumindig sa laban sa OWWA Omnibus Policies na umanoy naglimita sa serbisyo at benepisyong kanilang natatanggap, at sa Labor Export Policy na umanoy nangwawasak ng pamilyang Pilipino at nagdudulot ng ibayong pahirap. Simbolo ang pader na kanilang tinibag ang gobyernong Arroyo, na umanoy hindi nila papayagang makapamuno lampas sa eleksiyon. (Ilang-Ilang D. Quijano)
Sa ika-15 anibersaryo ng pagkamatay ni Flor Contemplacion ngayong araw, nagmartsa patungong Mendiola ang mga migranteng Pilipino at kanilang mga pamilya para kondenahin ang umano'y pambubusabos sa kanila sa ilalim ng 9 na taong panunungkulan ni Pangulong Arroyo. Hamon nila sa mga tumatakbo sa pagkapangulo, tumindig sa laban sa OWWA Omnibus Policies na umano'y naglimita sa serbisyo at benepisyong kanilang natatanggap, at sa Labor Export Policy na umano'y nangwawasak ng pamilyang Pilipino at nagdudulot ng ibayong pagpapaalipin sa kanila sa ibayong-dagat. Simbolo ang pader na kanilang tinibag ang gobyernong Arroyo, na umano'y hindi nila papayagang makapamuno lampas sa eleksiyon. (Ilang-Ilang D. Quijano)