Larawan: Sunog sa komunidad na lumalaban sa demolisyon, hinihinalang sinadya


Basahin ang kaugnay na istorya: Munting barikada, malaking tagumpay

caption
Naiwang walang tahanan ang halos 200 pamilya sa Sitio San Roque, North Triangle sa Quezon City nang masunog noong Mayo 22 ng gabi. Hinala ng mga residente, sinadya ang sunog--na umano'y nagmula sa tinapon na gasolina--para mapilitan silang lumayas mula sa kani-kanilang tahanan. Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng sunud-sunod na protesta ang mga maralita, kasama ang grupong Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap), laban sa napipintong demolisyon para bigyang-daan ang proyektong Quezon City Central Business District. Ngayo'y nakatipon sa basketball court ng barangay, nangangako pa rin ang mga residente na lalabanan ang demolisyon, sa kabila ng trahedya. (Kuha ni Buck Pago/AKP Images)

Basahin ang kaugnay na istorya: Munting barikada, malaking tagumpay