Munting barikada, malaking tagumpay


Wala pang isang linggo makaraan ang halalan, nagpatuloy sa pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan ang militanteng mga maralitang lungsod. Isang 700-kataong human chain sa EDSA ang pansamantalang nagpatigil sa demolisyon.

Wala pang isang linggo makaraan ang halalan, nagpatuloy sa pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan ang militanteng grupo ng maralitang lungsod. Isang 700-kataong human chain sa EDSA laban sa demolisyon ang idinaos noong Mayo 14. (Owen Berico ng UP Sining at Lipunan/Mayday Productions)
Wala pang isang linggo makaraan ang halalan, nagpatuloy sa pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan ang militanteng mga maralitang lungsod. Isang 700-kataong human chain sa EDSA ang pansamantalang nagpatigil sa demolisyon. (Owen Berico ng UP Sining at Lipunan/Mayday Productions)

Quezon City–Malaking tagumpay para sa mga residente ng Sitio San Roque, Barangay Bagong ang pagkakaantala sa dapat sana’y demolisyon ng kanilang komunidad noong Mayo 14 matapos nilang maglunsad ng 700-kataong human barricade sa kahabaan ng EDSA.

Kinatigan ng National Housing Authority (NHA) ang panawagan ng mga residente ang “status quo” (walang galawan) kahit napaso na ang 30-araw na palugit na ibinigay nito. Ipagpapaliban muna ng NHA ng halos tatlong linggo ang demolisyon na dapat gaganapin noong araw. Gayundin, ipagpapatuloy ang diyalogo at konsultasyon sa mga residente.

Ayon sa mga residente, hindi sila papayag na umalis sa kani-kanilang tahanan hanggat may maayos na relocation na maiaalok ang gobyerno.
Ayon sa mga residente, hindi sila papayag na umalis sa kani-kanilang tahanan hangga't may maayos na relocation na maiaalok ang gobyerno.(Owen Berico ng UP Sining at Lipunan/Mayday Productions)

Sa kabila ng tagumpay na ito, ayaw pa rin pakasiguro ng Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap), na nanguna sa barikada, lalo na at walang kongkretong kasulatan ang nasabing moratorium.

“Bagamat nagbitaw na sila na wala munang galawan, hindi tayo magiging kampante. Napatunayan na natin sa karanasan na kaya nilang baliktarin ang kanilang salita, o maghahanap sila ng ibang paraan para mapaalis ang mga tao,” ayon kay Carlito Badion, pangalawang tagapangulo ng Kadamay.

Nagtayo na ng kubol ang mga residente ng Sitio San Roque bilang bantay sa banta ng demolisyon o kaya’y pananabotahe gaya ng panununog upang sirain ang komunidad.

Nagpupuyos sa galit ang mga residente na planong itayo na Central Business District sa Quezon City.
Nagpupuyos sa galit ang mga residente na planong itayo na Central Business District sa Quezon City. (Owen Berico ng UP Sining at Lipunan/Mayday Productions)

Ang nasabing demolisyon ay bahagi ng proyektong Quezon City-Central Business District (QC-CBD) ni dating alkaldeng Feliciano Belmonte na naglalayong gawing sentro ng komersyo ang mahigit sa 250 ektarya ng lupain sa lungsod. Isa rin ito sa prayoridad na mga proyekto ng gobyernong Arroyo.

May ipinapangakong dagdag na mga trabaho at pamumuhunang man ang proyektong QC-CBD, mawawalan naman ng tirahan ang mahigit-kumulang sa 25,000 maralitang pamilya sa North and East Triangle, kasama na ang Sitio San Roque.

Pupuwersahin ang mga residente na mag-relocate sa malalayong lugar kagaya ng Montalban, Rizal.

Ulat nina Rogelio Tubije ng Pinoy Weekly at Rob Jara ng UP Sining at Lipunan/Mayday Productions

Kasing-init ng sikat ng araw ang panawagan ng ibat ibang grupong sumuporta sa mga residente ng Sitio San Roque.
Kasing-init ng sikat ng araw ang panawagan ng iba't ibang grupong sumuporta sa mga residente ng Sitio San Roque. (Owen Berico ng UP Sining at Lipunan/Mayday Productions)