Aral mula sa pakikibakang sosyalista ni Joan Hinton


Sipi mula sa autobiography nina Joan Hinton at Sid Engst, na isa ring pambihirang silip sa mga pangyayari sa Tsina, mula sa sosyalistang rekonstruksiyon hanggang sa unti-unting panunumbalik sa landas ng kapitalismo. Isinulat ang libro ng kanilang matalik na kaibigan na si Dao-yuan Chao.

William Hinton (kaliwa) at si Joan Hinton: mga Amerikanong intelektuwal na piniling maging saksi at kabahagi ng malawakan at dakilang pag-aalsa ng mga anakpawis sa China na nagsimula noong dekada '40.
William Hinton (kaliwa) at si Joan Hinton: mga Amerikanong intelektuwal na piniling maging saksi at kabahagi ng malawakan at dakilang pag-aalsa ng mga anakpawis sa China na nagsimula noong dekada '40.

Inilathala ng Ibon Books noong nakaraang taon ang librong Silage Choppers and Snake Spirits, autobiography ng mag-asawang sina Joan Hinton at Sid Engst, mga Amerikano na iniwan ang komportable nilang mga buhay para masaksihan ang tagumpay ng rebolusyon sa Tsina at lumahok sa pagtatayo ng sosyalistang lipunan doon.

Nitong Hunyo 8, 2010, pumanaw si Joan sa isang dairy farm sa Beijing sa edad na 89. Nagbigay-pugay sa kanya ang progresibong mga organisasyon at ng kilusang komunista sa Pilipinas. Umano’y ang paglilingkod ni Joan sa sambayanang Tsino at pagtataguyod sa adhikang sosyalista ay maaaring paghalawan ng mahahalagang aral at inspirasyon.

Inilalathala ng Pinoy Weekly ang sumusunod na mga sipi mula sa autobiography nina Joan at Sid, na isa ring pambihirang silip sa mga pangyayari sa Tsina, mula sa sosyalistang rekonstruksiyon hanggang sa unti-unting panunumbalik sa landas ng kapitalismo.  Isinulat ang libro ng kanilang matalik na kaibigan na si Dao-yuan Chao. Naunang pumanaw si Sid noong 2002.

Isa si Joan sa naunang mga nuclear physicist sa Estados Unidos noong dekada 1940, na pinili ng gobyernong US para sa lihim na Manhattan Project o pagbubuo ng kauna-unahang bomba atomika. Nabahala si Joan nang hinulog ng US ang bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki, at sumapi sa kilusan ng mga siyentista para maibalik sa mga sibilyan ang kontrol sa enerhiyang nukleyar.

Gayundin, naging interesado si Joan sa mga kaganapan noon sa Tsina. Nauna roon ang kanyang fiance na si Sid, isang agriculturist. Sa loob ng tatlong taon, nakipamuhay si Sid sa People’s Liberation Army (PLA). Sumunod si Joan noong 1948, at noong 1949, nagpakasal ang dalawa sa Yanan. Nasaksihan nila ang tagumpay ng pambansa-demokratikong rebolusyon at pagpapasinaya ng Republikang Bayan ng Tsina.

Kakaibang karanasan para kay Joan ang buhay sa loob ng Liberated Areas bago ang tagumpay ng rebolusyon.

[To] be working with all those people who were thinking so far ahead, I realized that I was part of something very big, very very new, and something that the whole people of the world should know about but didn’t. ..I felt like I’d really come home…All the people around me weren’t thinking about themselves. They weren’t thinking about Yanan, or about Wa Ya Bao. They were thinking about the whole world…It was an international feeling; they were thinking about how to change not just China but the whole world into a place where everyone could live…They didn’t treat me like a foreigner; they didn’t isolate me, they treated me like a comrade, because they considered foreigners part of the revolution. They took me in as part of the world.

Sa susunod na mga taon, lumahok sina Joan at Sid sa mga pagsisikap na pataasin ang antas ng agrikultural na produksiyon kasama ng mga magsasaka at manggagawang Tsino sa iba’t ibang probinsya. Kolektibo ang gawain, mula sa pagpaplano hanggang sa aktuwal na produksiyon. Kolektibo rin ang mga pag-aaral ng Marxismo-Leninismo, kung saan tinatalakay ang sitwasyong pampulitika sa loob at labas ng bansa, at pagsasagawa ng “pagpuna at pagpuna sa sarili” (criticism and self-criticism) para mapaunlad ang kanilang mga sarili at gawain. Aniya, mataas ang diwa ng mga Tsino dahil sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman nilang bahagi sila sa pagtatayo ng isang lipunang para sa interes nila at ng nakararami, at hindi lamang ng iilan, gaya ng naranasan sa libu-libong taon ng pyudalismo. Pero mabilis na natutunan nina Joan at Sid na tuluy-tuloy ang pagtunggali sa nalalabing mga kaisipang pyudal at burgis na nagmula sa lumang sistema, kabilang ang burukratismo.  Nagdisenyo si Joan ng silage chopper (makinang pangtadtad sa mais na ipinapakain sa mga hayop) na mas epektibo kaysa sa lumang disenyo, pero hinarang ng gobyerno ang pagpapalaganap dito dahil sa hindi pa ito “aprubado.” Hindi agad nagpatalo sina Joan—naghamon sila ng isang paligsahan kung saan napatunayan na mas epektibo nga ang bagong disenyo ng makina.

The story of the silage chopper was a decade long example of what Joan, Sid and their co-workers would struggle with in the coming years of working in agriculture to build socialism. The message from the top to “do gao ji shu ge xin” (broadly engage in technical innovation) and the call for ideas of all kinds to travel up and down through the layers of cadres and workers for refinement, was all too often twisted into a straight shot from top to bottom directive as it filtered down through the office bureaucrats.

It pissed Joan off—more specifically than Sid, because as a technician dairy equipment designer, she was the one who ran headlong into those bureaucratic brick walls. Known as a “bulldozer,” sometimes her stubborn head-butting could bust down a whole ministry and their beehive of red tape and regulations. But to her, this struggle was not about countering what some people attributed to the effects of socialism; it was about the struggle build socialism in China, a country going through rebirth with a thousand years of oppressive, feudal history on its back. Legitimized and given power by the line from the top, workers and peasants were given the responsibility not just with increasing light industry or grain or milk production, but also with putting socialist ideology into practice, beginning in the work unit, where workers and cadres met together to figure out how to solve problems.