Libu-libong estudyante lumayas sa klase; galit sa kaltas ni P-Noy sa badyet sa edukasyon
Libu-libong estudyante mula sa iba’t ibang pampulikong kolehiyo sa iba’t ibang dako ng bansa ang nagsagawa ng walk-out sa kanilang mga klase noong Setyembre 24.

Babala ng mga estudyante
Kinondena ng NUSP at College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang nasabing panukalang badyet.
Ani Einstein Recedes , tagapangulo ng NUSP, papasanin ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagtaas ng matrikula ng mga SUCs kapag natuloy ang nasabing badyet.
Ayon naman kay Charisse Bañez, tagapagsalita ng Anakbayan, kapag na-aprobahan umano ang panukala, hindi lamang ang effigy ng Aquino ang masusunog, kundi maging ang kanyang pagkapangulo.