Pelikula hinggil sa paglabag ng gobyerno sa karapatang pantao ipinapalabas sa Europa


Matagumpay na nagsagawa ng premiere ang progresibong pelikulang Dukot sa Europa, na dinaluhan ng artistang si Gina Alajar, manunulat ng iskrip na si Bonifacio Ilagan, at nina Concepcion Empeno, ina ng desaparecido na si Karen Empeno, at biktima ng paglabag sa karapatang pantao na si Raymond Manalo.

Nagkaroon ng <i>panel discussion</i> hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao sa bansa, bago pa man nagsimula ang <i>screening ng pelikulang <i>Dukot</i>. Mula kaliwa: Bonifacio Ilagan, <i>scriptwriter</i> ng pelikula; Gina Alajar, aktres; Coni Empeno, ina ng <i>desaparecido</i> na si Karen; at Raymond Manalo, biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
Nagkaroon ng panel discussion hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao sa bansa, bago pa man nagsimula ang screening ng pelikulang Dukot. Mula kaliwa: Bonifacio Ilagan, scriptwriter ng pelikula; Gina Alajar, aktres; Coni Empeno, ina ng desaparecido na si Karen; at Raymond Manalo, biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

Matagumpay na nagsagawa ng premiere ang progresibong pelikulang Dukot sa Europa, na dinaluhan ng artistang si Gina Alajar, manunulat ng iskrip na si Bonifacio Ilagan, at nina Concepcion Empeno, ina ng desaparecido na si Karen Empeno, at biktima ng paglabag sa karapatang pantao na si Raymond Manalo.

Ginanap ang screening ang naturang pelikula sa Den Haag, Amsterdam, Alkmaar at Utrecht, sa The Netherlands, na dinaluhan ng daan-daang Pilipino.

Sa naturang screening, nagsalita si Empeno hinggil sa karanasan niya sa paghahanap kay Karen, at sa kasamahan nitong kapwa dinukot ng mga ahente ng gobyerno na si Sherlyn Cadapan. Nagkuwento rin si Raymond Manalo hinggil sa pagkakapiit niya at pagtortyur sa kanya sa loob ng 18 buwan sa kamay ng militar. Personal ding nasaksihan ni Manalo ang pagmamalupit ng militar kina Karen at Sherlyn.

“Hindi pa ako nawalan ng anak. Pero ramdam ko ang sakit ng mawalan ng anak,” sabi ni Alajar. “Saludo ako sa inyo, sa mga katulad nyo na tumitindig sa inyong paniniwala at sa inyong katapangan.”

Coni Empeno at Gina Alajar
Coni Empeno at Gina Alajar

Ayon kay Ilagan, inspirasyon ng sinulat niyang iskrip para sa pelikulang Dukot ang karanasan ng desaparesidos, kabilang na ang dalawang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na sina Karen at Sherlyn. Pinaghalawan din niya ang karanasan ni Manalo, gayundin ang iba pang tunay na mga kaganapan noong nakaraang mga taon.

Naging okasyon ang ilang screenings para ikampanya sa publiko ang pagbibigay-hustisya para sa mga biktima ng pampulitikang pamamaslang, pagdukot at pagkakakulong sa nakaraan at kasalukuyang mga administrasyon sa Pilipinas. Ikinampanya rin ng mga organisador ang pagpapalaya sa Morong 43, ang 43 manggagawang pangkalusugan na dinukot, pinahirapan at patuloy na ikinukulong ngayon ng gobyerno.

Ang European tour ng Dukot ay inisyatiba ng Migrante-Europe, katuwang ang iba’t ibang grupong pangkarapatang pantao at mga organisasyong Pilipino sa Europa. Bukod sa mga lungsod sa Netherlands at Italy, magsasagawa rin ng screenings sa Vienna (Nob. 28), London (Dis. 4), at Bern, Switzerland (Dis. 4).

Dinirehe ni Joel Lamangan at sinulat ni Ilagan, ang Dukot ay hinggil sa dalawang aktibistang magsing-irog na dinukot at tinortyur ng mga armadong ahente ng gobyerno. Tampok na mga artista sina Iza Calzado, Allen Dizon at Alajar.

Ikinampanya rin ng mga kalahok sa pag-organisa ng <i>screening</i>, kabilang ang aktres na si Gina Alajar, ang pagpapalaya sa Morong 43.
Ikinampanya rin ng mga kalahok sa pag-organisa ng screening, kabilang ang aktres na si Gina Alajar, ang pagpapalaya sa Morong 43.