Tatlong bayan sa Aurora, di marating dahil sa landslide


Jason de Asis (Salin ng Pinoy Weekly Staff mula Ingles) Tatlong bayan sa lalawigan ng Aurora ang mistulang nahiwalay sa iba pang bahagi ng lalawigan dahil sa serye ng mga pagguho ng lupa dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan at malakas na hangin. Daan-daang pasahero papunta sa mga bayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag ang naistranded […]

Jason de Asis
(Salin ng Pinoy Weekly Staff mula Ingles)

Dalawang batang nagbabangka sa baha sa Casiguran, Aurora.
Dalawang batang nagbabangka sa baha sa Casiguran, Aurora.

Tatlong bayan sa lalawigan ng Aurora ang mistulang nahiwalay sa iba pang bahagi ng lalawigan dahil sa serye ng mga pagguho ng lupa dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan at malakas na hangin.

Daan-daang pasahero papunta sa mga bayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag ang naistranded dahil sa pagguho ng lupa sa Sitio Pimpolisan. Dagdag pa rito nawasak din ng pagbaha ang tulay ng Dibet sa Casiguran.

Ilang sasakyan ang napilitang huminto nang magbagsakan ang mga puno at bato sa kalsada ng Sitio Pimpolisan.

Malalim at makapaminsalang baha sa Casiguran, Aurora.
Malalim at makapaminsalang baha sa Casiguran, Aurora.

Iniulat ni Elmer Dabbay, district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa naturang lalawigan, na may naganap ding pagguho ng lupa sa Brgy. Abuleg sa bayan ng Dinalungan.

Ayon pa kay Dabbay, nagsagawa na ng paglilinis sa kalsada ang mga tauhan ng DPWH subalit naghihintay pa na humupa ang baha bago tuluyang maayos ang mga kalsada para madaanan ng sasakyan.

Sinabi naman ni Casiguran Mayor Reynaldo Bitong, umabot sa baywang ang baha sa Casiguran na nagpalubog sa maraming kabahayan doon dahil sa malakas na pag-ulan.

Wala namang napaulat na nasawi sa kalamidad at inaalam pa ng mga awtoridad ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha.