Mga Larawan: Pagpapalaya sa mga babae ng Morong 43

December 18, 2010

Alas-11:15 ng gabi pinalaya ang kababaihan ng Morong 43, mula sa detention center ng Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa, Tauig City. (Kenneth Guda)

Mainit silang sinalubong ng mga kaanak at tagasuporta, na nagmula pa sa Rizal Regional Trial Court at doo'y maghapong hinintay ang release order (Kenneth Guda)

Mainit silang sinalubong ng mga kaanak at tagasuporta, na nagmula pa sa Rizal Regional Trial Court at maghapong hinintay ang release order (Kenneth Guda)

Napalaya ang Morong 43 matapos ang 10 buwan sa detensiyon, matapos makaani ng malawak na suporta. Inaresto ang mga doktor at manggagawang pangkalusugan sa isang iligal na reyd noong Pebrero habang nagsasagawa ng pagsasanay. (Macky Macaspac)

Dahil sa malawak na suporta, napilitan si Pangulong Aquino na iutos ang pagpapalaya sa Morong 43 na tinortyur at mahigit 10 buwan sa detensiyon, . Inaresto ang mga doktor at manggagawang pangkalusugan sa isang reyd sa Morong, Rizal habang nagsasagawa ng pagsasanay medikal. (Macky Macaspac)

Malalaki ang ngiti ng mga nakalayang detenido, habang hinihintay ang iba pa nilang kasamahan. (Macky Macaspac)

Malalaki ang ngiti ng mga nakalayang detenido, habang hinihintay ang iba pa nilang kasamahan. (Macky Macaspac)

Taas-kamao at palaban ang diwa ng pinalayang mga manggagawang pangkalusugan (Macky Macaspac)

Taas-kamao at palaban ang diwa ng mga manggagawang pangkalusugan. "Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal!" sigaw pa ng isa habang papalabas ng detensiyon. (Macky Macaspac)

Mahigpit ang yakap at lumuluhang sinalubong ni Ofelia Beltran-Balleta ang kanyang pinalayang anak na si Jane Balleta, apo ng lider-obrerong si Crispin Beltran. (Kenneth Guda)

Mahigpit ang yakap at lumuluhang sinalubong ni Ofelia Beltran-Balleta ang kanyang pinalayang anak na si Jane Balleta, apo ng lider-obrerong si Crispin Beltran. (Kenneth Guda)

Bakas na bakas ang tuwa sa mukha ng midwife na si Teresa Quinawayan. Tumungo sila sa Quezon City para sa isang press conference. Hinihintay pa ang pagpapalaya sa kalalakihan ng Morong 43. (Kenneth Guda)

Bakas na bakas ang tuwa sa mukha ng midwife na si Teresa Quinawayan, bago tumungo sa Quezon City para sa isang press conference. Hinihintay pa ang pagpapalaya sa kalalakihan ng Morong 43. (Kenneth Guda)

Isusunod pa ang ibang larawan at istorya ng buong paglaya ng Morong 43.