Senado, sinugod ng SUCs na tutol sa budget cuts

December 2, 2010

“Ngayong araw, nagmartsa tayo para sa ating karapatan sa edukasyon. Ngayong araw, lumaban tayo para sa kinabukasan ng ating bansa.”

Ito ang pahayag ni Vencer Crisostomo, tagapagsalita ng koalisyong Kilos Na Laban sa Budget Cuts, sa araw kung saan lumabas ang mga guro, estudyante at manggagawa ng iba’t ibang SUCs (State Universities and Colleges) at tumungo sa tarangkahan ng Senado upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa pagbabawas ng pamahalaan sa badyet ng kanilang mga paaralan.

Ito ang araw ng deliberasyon ng pambansang badyet sa senado.

Aasahan ng Unibersidad ng Pilipinas, Philippine Normal University at iba pang SUCs sa susunod na taon ang malalaking kaltas sa kanilang badyet na alokasyon ng pamahalaan. Kaalinsabay rin nito ang pagbaba rin ng subsidyo ng pamahalaan sa iba pang SUCs.

Mula noong Agosto pa nagsagawa ng sunud-sunod na pagkilos ang mga grupo ng estudyante upang ipahayag ang kanilang disgusto sa pagkaltas ng pamahalaan sa 2011 badyet para sa tertiary education. Humantong ito sa dalawang araw na campus strikes sa huling mga araw ng Nobyembre, na sinuportahan ng libu-libong estudyante ng mga paaralan, ng kanilang mga guro, at maging ang mga nasa pamunuan nito. Ito ang kauna-unahang pagkakaktaon sa kasaysayan ng Pilipinas na nagsanib-puwersa ang lahat ng miyembro ng komunidad ng paaralan upang kumilos.

Pahayag ng mga nagprotesta na itigil ang budget cut. Ngunit pinasinungalingan ang pahayag na ito ni Sec. Butch Abad ng Department of Budget and Management, at maging nina Sen. Franklin Drilon at Tito Sotto na “ghost cuts” lamang ang naturang kaltas sa badyet.

Sa kailang mga pahayag, hindi nabanggit ang pagkaltas ng badyet ng Maintaining and other operating expenses o MOOEs ng mga paaralan. Kaalinsabay pa ang hindi nailinaw na dahilan ng dagdag sa badyet ng SUCs ay dahil sa mandato ng batas ukol sa Salary Standardization Law.

Maging ang CHED ay pinaninindigan na rin na itaguyod ang budget cut, kahit mismong binawasan rin ng badyet ang naturang ahensiya.

Bagay na para kay Crisiostomo ay propaganda lamang ito ng palasyo/Malakanyang upang aniya’y “palamigin ang galit ng tao/mamamayan[people] sa usapin ng budget cut. “Arogante nilang ipinapakita ang kanilang kapangyarihan at kaganiran; sa kanilang mga kasinungalingan, gusto nila tayong lunurin sa [apthy], hatiin ang ating hanay at sirain an gating kolektibong lakas.”

Nanggaling sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman at Maynila, Polytechnic University of the Philippines, Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology, Technologuical University of the Philippines, Philippine Normal University, ang mga nagmartsa tungo sa Senado. Sumama rin sa pagkilos ang kabataang grupo ng League of Filipino Students, Anakbayan, Student Christian Movement, at College Editors Guild of the Philippines. Sumama rin ang ilang mag-aaral mula sa hayskul.

Artikulo ni Darius Galang, Larawan nina Darius Galang, KR Guda at Soliman A. Santos