Video: Sit-down protest sa loob ng LRT kontra taas-pasahe

January 21, 2011

Sit-down protest ng mga kabataan laban sa LRT at MRT fare hike. (Macky Macaspac)

Nitong Enero 21, halos 100 kabataang estudyante ang nagsagawa ng sit-down protest sa Legarda Station ng Light Rail Transit para tutulan ang nakaambang taas-pasahe sa LRT at MRT na itinutulak ng gobyernong Aquino.

Nagmula sa Unibersidad ng Pilipinas, Polytechnic University of the Philippines, University of Sto. Tomas, University of the East, at De La Salle University ang mga estudyante, ayon kay Vencer Crisostomo, tagapagsalita ng Kabataan Party-list.

Matapos ang 15-minutong programa sa loob ng estasyon, ipinagpatuloy nila ang protesta sa pamamagitan ng noise barrage sa baba ng estasyon. Nangalap sila ng pirma mula sa mga pasahero na tutol din sa taas-pasahe sa LRT at MRT.

Panoorin ang bidyo: