Video: Kalampag para sa dagdag-sahod at kontrol sa presyo, hanggang Mayo 1
Ikinuwento ng mga maralitang kababaihan ang hirap na pagkasyahin ang minimum na sahod ng kanilang asawa sa pang-araw-araw na mga bilihin. Inihayag naman ng mga kawani sa gobyerno na maging silang may regular na trabaho, nababaon sa utang dahil sa liit ng suweldo.
Noong Abril 14, nagsagawa ng serye ng mga noise barrage ang Kilusan ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan sa Kamaynilaan para kalampagin ang gobyernong Aquino na itaas ang sahod at pababain ang presyo ng mga bilihin.

Sa Brgy. Damayang Lagi sa Quezon City, ikinuwento ng mga maralitang kababaihan ang hirap na pagkasyahin ang minimum na sahod ng kanilang asawa sa pang-araw-araw na mga bilihin.
Sa Elliptical Road naman, inihayag ng mga kawani sa gobyerno na maging sila na may regular na trabaho, nababaon sa utang dahil sa liit ng suweldo.
Nagsagawa rin ng parehong mga pagkilos ang mga manggagawa sa Novaliches, at mga kabataang estudyante sa Maynila.
Anila, hangga’t hindi natutugunan ang kanilang mga panawagan, magtutuloy ang mga protesta at lulundo sa Mayo 1, Araw ng Paggawa na tinaguriang Workers’ and People’s Day of Outrage.
Video footage nina Paolo Felicia, Jun Ressurecion, Kenneth Guda, Macky Macaspac, at Darius Galang