Estudyante naghahanda sa welga vs kaltas-badyet sa edukasyon

“Strike back!”

Ito ang mensahe ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City na nag-ingay at nagmartsa sa loob ng kampus para manawagan sa mga estudyante na kumilos kontra sa kaltas-badyet ng administrasyong Aquino sa sektor ng edukasyon.

Nagtipon ang mga mag-aaral, kawani, alumni at guro sa harap ng Quezon Hall, sa University Avenue ng UP Diliman para ipahayag ang pagtutol sa kaltas-badyet sa State Colleges and Universities. (Darius Galang)

Strike back!

Ito ang mensahe ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City na nag-ingay at nagmartsa sa loob ng kampus para manawagan sa mga estudyante na kumilos kontra sa kaltas-badyet ng administrasyong Aquino sa sektor ng edukasyon.

Umikot sa Academic Oval ang UP Kilos Na Laban sa Budget Cuts, isang mulitsektoral na alyansa sa loob ng unibersidad. Nag-ingay sila para sa sama-samang pagkilos sa Setyembre 21 hanggang 23.

Sa panukalang badyet ng administrasyong Aquino para sa UP, mababawasan pa ng P800-Milyon ang ilalaan na badyet, mula sa P1.16-Bilyon sa kasaluluyan. Ang naturang halaga ay nabawasan na rin mula ng nakaraang taon.

Naghahanda ang mga estudyante ng UP at iba pang SUCs para sa "strike back" sa Setyembre 21 hanggang 23. (Darius Galang)
Naghahanda ang mga estudyante ng UP at iba pang SUCs para sa "strike back" sa Setyembre 21 hanggang 23. (Darius Galang)

Bahagi lamang ang unibersidad sa pababang badyet na inilalaan para sa edukasyon. Sa National Expenditure Program para sa 2012, aabot sa P 21.8-B ang nakalaan para sa 110 SUCs, mas mababa mula sa P22.03-B noong nakaraang taon.

Nagpahayag din si UP President Alfredo Pascual ng suporta sa mga pagkilos kontra sa budget cuts sa edukasyon.

Ani Pascual, “hindi katanggap-tanggap” ang badyet na ilalaan sa unibersidad. Hinimok niya ang mga mag-aaral, alumni at kawani na “iparinig ang kanilang mga tinig” sa panawagan ng mas mataas na badyet hindi lamang para sa UP kundi sa lahat ng state colleges and universities (SUCs) sa bansa.

Ipinahayag rin sa kilos-protesta ang planong pagpapakita ng suporta ng UP Pep Squad, sa porma ng pagdala ng mensahe sa ibabaw ng sayawan sa darating na UAAP Cheerdance Competition sa darating linggo.

Patuloy ngayong araw ang serye ng iba’t ibang porma ng pagkilos ng mga mag-aaral sa iba’t ibang paning ng Kamaynilaan, mula sa noise barrage sa Diliman at Kalaw Street sa Maynila, hanggang sa interfaith rally na gaganapin sa Polytechnic University of the Philippines. Kasama rin ang pagsanib ng mga grupo ng kabataan laban sa pagtaas ng presyo ng langis at singil sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Dudulo ang lahat ng mga kilos-protesta sa nakakasa nang pambansang campus strikes sa Setyembre 21 hanggang 23.