Istorya ng Linggo

Welga ng kabataang estudyante inilunsad

Nagdeklara ng welga ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City, gayundin ang mga mag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines, at iba pang state universities and colleges (SUCs).

Nagtipon at kumanta ng "UP Naming Mahal" ang mga estudyante ng UP sa harap ng Palma Hall matapos mag-walkout mula sa mga klase noong Setyembre 21, 2011. (Abigail Castillo)

Kasabay na nagmartsa ng mga estudyante ang mga guro, kawani at miyembro ng administrasyon ng pamantasan. (Darius Galang)

Masayang nagtanghal ang UP Repertory Company sa mga estudyanteng nagwalkout sa klase. (KR Guda)

Nagbigay ng suporta sa welga si UP Chancellor Caesar Saloma. (KR Guda)

Nag-planking ang isang miyembro ng UP Repertory Company bilang bahagi ng kanilang pagtatanghal. (KR Guda)

Nakiisa sa welga ang ilang miyembro ng UP Pep Squad na nagwagi kamakailan sa UAAP Cheerdance Competition. Kasama nila sa larawan ang mga miyembro ng All-UP Workers' Union. (Darius Galang)

Inihayag ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino ang pagsuporta sa laban ng UP para sa sapat na badyet para sa pamantasan at lahat ng SUCs. (Darius Galang)